Hiyasmin (325)
PAGKATAPOS magpaalam si Mary kay Hiyasmin ay si Mama Lira naman ang hinarap nito. Niyakap nang mahigpit.
“Hihintayin ko kayo sa U.S. ngayong taon na ito or early next year. Magagalit ako kapag hindi n’yo ginawa ang hiling ko. Sinabi ko na rin kay Hiyasmin.”
“Oo Mary, darating kami, kasama na ang apo mo—apo natin.”
“Si Rashida o Emmanuel Rashid?”
“Oo, Mary.”
“Mas magiging masaya ako, Lira kapag kasama n’yo ang apo natin.”
“Matutupad ‘yun, Mary.”
“Kapag nasa U.S. na kayo marami tayong pupuntahan. Kung gaano karami ang pinasyalan natin dito sa Philippines, marami rin dun.”
“Siyanga pala Mary, nalimutan kong sabihin sa iyo na may isang dating Pinay maid na gusto kang makita. Maid siya sa tapat ng inyong bahay sa Kuwait.”
“Talaga? Sino siya?”
“Siony ang name niya.”
Nag-isip si Mary.
“Yes natatandaan ko si Siony. Bakit hindi ko siya nakaharap?”
“Nasa province siya.”
“‘Di bale mag-meet tayo online—video call. Okey, Lira?”
“Sige, Mary.”
Itutuloy
- Latest

















