Hiyasmin (322)
“Dito na kayo manirahan Tita, para lagi tayong nagkikita,’’ sabi ni Hiyasmin at tumawang bahagya.
“Aba paano naman ang aming trabaho sa U.S.? Siguro lagi na lamang kaming uuwi rito or kayo ang pupunta sa U.S. Madali na kayong makakapunta roon dahil financially stable na kayo.”
“Puwede na nga po Tita.”
“Kapag kayo ang nagpunta, ako naman ang magiging tour guide n’yo.”
“Sige po, Tita.”
“Pero siguro magiging madalas ang pagbabakasyon namin dito dahil sa mga napakagandang tanawin. Gaya rito sa Boracay—love ko ang ganitong lugar.”
“Masisiyahan ka rin sa Palawan, Tita. Maraming papasyalan dun—mga nakatagong kuweba na napapaligiran ng dagat. Asul na asul po ang malinis na dagat.”
“Talaga? Kailan tayo pupunta roon, Hiyasmin?”
“Ikaw po ang magpasya, Tita.”
“Okey next week punta tayo. Ngayon ay mag-enjoy muna tayo rito sa Boracay.
Sumunod na linggo, sa Palawan na sila nag-tour.
Masayang-masaya sina Tita Mary at pamilya. Enjoy na enjoy sila.
(Itutuloy)
- Latest
















