^

True Confessions

Ako ay Makasalanan (71)

- Ronnie M. Halos -

PALABAS na ako sa ku­warto at inihahanda na ang kandado ng pinto nang biglang dumating si Cherry.

“O ano ‘yang bag na ‘yan. Saan ka pupunta?” tanong.

Umatras ako. Bumalik sa loob at hinintay na ma­kapasok si Cherry.

“Aalis na ako rito, Cher­ry.”

“Aalis? Saan ka pu­punta, Gaga?”

Ikinuwento ko ang tungkol kay Mon. Ang     mga nangyari sa amin. Ang mga plano ni Mon para sa akin — sa aming dalawa.

Nagtawa si Cherry. Nakaaasar ang tawa.

“Wow, ang bilis mo na­mang naniwala.”

“Totoo naman ang sina­sabi niya. Nakita ko na ser­yoso siya.”

“Sige kung ‘yan ang gusto mo.”

“Hindi ka galit?”

“Ikaw nga diyan, aalis ka na hindi nagsasabi sa akin, mabuti pala nakauwi ako.”

“Babalik pa naman ako para magpaalam. Ibibigay ko pati ang share ko sa bayad dito sa bahay.”

“Sige lang. Okey lang naman sa akin kung umalis ka. Good luck. Basta kung me problema ka, punta ka lang sa akin,” at tumawa at dinugtong “para me kasa­ma akong magdamo…”

“Gaga. Tigilan mo na ‘yan.”

Nagtawa si Cherry. Pa­rang ayaw maniwala sa payo ko.

“Alis na ako.”

“Saan ba ang bago mong tirahan?”

“Sa Binondo.”

“Aba maraming Intsik dun ah.”

Lumabas na ako. Nang pababa na, nakita ko ang matandang may-ari ng bahay. Nginitian ako.

Nagtaxi na ako pa­tungong Binondo. Wala    si Mon sa unit nang du­mating ako. Maghapon akong natulog. Masarap ang pakiramdam ko sa bagong tirahan.

(Itutuloy)

vuukle comment

AALIS

AKO

NAGTAWA

SA BINONDO

SAAN

SHY

SIGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with