Ako ay Makasalanan (66)
“GRABE ka namang makatitig parang hinuhubaran mo na ako,” sabi ko at saka tumawa. Napasul-yap sa amin ang lalaki at babae sa kabilang mesa.
“Ganyan talaga akong tumitig sa babaing gusto ko,” sabi naman ni Mon at sinulyapan ang maumbok kong dibdib.
“Naku ha?”
Itinuloy ni Mon ang seryosong usap ukol sa sinabi ko kanina. Kontra siya na maghanap na ako ng trabaho.
“Sabi ko nga sa’yo huwag ka munang mag-work. Tapusin mo muna ang studies mo. Kapag na katapos ka, madali kang makakakita ng trabaho at mas malaki pa.”
“Pera kasi ang proble-ma kaya ko gustong mag-work na. Ayaw ko nang umasa sa mga magulang ko. Gusto ko, nakatayo na sa sariling mga paa.”
“Wow naman! Lalo tuloy akong humahanga sa’yo.”
“Gusto ko magkaroon nang maraming pera kaya balak ko nang maghanap ng trabaho.”
“Sabi ko nga sa’yo akong bahala…”
Nagtataka akong nakatingin kay Mon. Ano kayang ibig niyang sabihin na siya ang bahala.
“Magsama na tayo, Maritess. Akong bahala sa’yo, ititira kita sa isang magandang apartment. Kumpleto sa kasangkapan. May sasakyan. May maid. Kung anu-ano pa. Lahat nang gusto mo.”
“Ang bilis mo naman. Noong isang araw lamang tayo nagkakilala e ngayon gusto mo na akong ibahay.”
“Mabilis talaga ako kapag ang babae ay maganda at mahal ko. Sa ganda mong ‘yan e tiyak na marami akong kaagaw.”
“Gagawin mo akong asawa o aasawahin lang?”
“Asawa siyempe.”
Aba mukhang seryoso ang gago. Mas maganda ang offer kaysa kay prof na ang hangad lang talaga ay pagsawaan ang katawan ko. Kay Prof, talagang gusto lang niya akong parausan o pagpalipasan ng kanyang kaboglihan. Naalala ko naman si Prof. Ano kaya ang sasabihin sa akin kapag nagkita kami bukas? Magalit kaya ang matanda. Bahala siya!
Palalim nang palalim ang gabi.
“Umiinom ka, Maritess?”
“Konti.”
“Hard o beer?”
“Hard. Konti lang ha?”
Tinawag ni Mon ang waiter. Nag-order ng alak.
Naiimagine ko na naman ang susunod. Malalasing ako. Plakda na naman. Isasakay ako sa taksi ni Mon at dadalhin sa motel. Doon ako titikman.
(Itutuloy)
- Latest
- Trending