^

True Confessions

Karugtong ng Init (2)

- Ronnie M. Halos -

NASA loob na kami ng motel na iyon sa Pasay. Malamig. Malinis. Maba­ngo.

“Ross, natatakot ako,” sabi ni Michelle.

“Ako rin natatakot,” sa­got ko. “Pero mas nana­naig ang pagmamahal ko. At saka ayaw kong ma­­agaw ka pa sa akin kaya gusto ko nang mang­ yari ito.”

“Bakit mo nasabi ‘yon.”

“Kala mo hindi ko alam na malakas ang tama sa’yo nung kasamahan mo sa trabaho.”

Nagtawa si Michelle. Ako ay naupo sa gilid ng kama. Malambot. Nayug­yog.

“Sinong kasamahan?”

“Yung me bigote. Nung sinundo kita noong isang araw nakapagkit ang tingin sa’yo. Kala yata hindi ko nakita.”

Nagtawa si Michelle.

“Kaya kahit na natatakot ako, dinala na kita rito. Anu­man ang mangyari, meron na tayong nagawa.”

“Ay segurista. Paano kung hindi tayo ang mag-ka­tuluyan tapos “naano” mo na ako?”

“Ako sigurado na ako na ikaw ang mapapangasawa ko Michelle. Talagang ikaw lang. Kita mo naman kahit na maraming nagkagusto sa akin noong nasa college tayo, wala akong pinansin kahit isa. Ikaw lang talaga.”

“Ay ang yabang naman. Kung hindi ko pa alam ako lang ang babaing nagka­gusto sa’yo…”

“Hindi yata. Marami kayo.”

“Yabang.”

“Mayabang pala ha?”

Kumilos ako. Bigla kong hinipo ang legs ni Mi­chelle. Napapitlag. Hinipo ko ang hita. Napaatras. Sa totoo lang, maganda si Mi­chelle. Hanggang balikat ang kanyang maitim at ma­kintab na buhok. Makinis ang maputing kutis. Pina­kamagandang asset ang mayayabang at nakatindig na boobs. Naihahalintulad ko siya kay Ara Mina. Yun bang tinatawag na volup­tous.

Hindi na ako nakapag­pigil at niyakap na si Mi­chelle. Naghalikan kami. Dati na kaming naghaha­likan kapag nasa sinehan at kapag napag-iisa kami sa bahay pero hindi gaanong masarap hindi katulad nga­yon na parang gigil na gigil akong simulan na ang lahat.

Gumagapang na ang init sa aking katawan sa ginagawa naming iyon ni Michelle at alam ko, maski siya ay nilukuban na rin nang kakaibang init. Alam ko dahil matagal na rin ka­ming magnobya ni Mi­-chelle. Kilala ko na siya at kilala na rin niya ako.

Nahubad ko ang blouse ni Michelle. Natira ang bra. Pero saglit lang at agad ding tinanggal iyon. Lumu­wa na ang iniingatang asset. Cute na cute, Matagal kong pinagmasdan saka hinawakan. Nilasahan.

Hanggang sa wala na kaming parehong saplot sa katawan. Walang pagtutol na narinig ako kay Michelle nang magkatabi na kami sa malambot na kama. Kasi nga’y mahal na mahal niya ako. Alam namin na kami nang dalawa ang magka-ka­tuluyan. Sigurado na kami.

Lahat nang una ay sa akin natikman ni Mi­chelle. At ako man ay ga­nundin. Siya ang unang babae   sa akin. Kaya nga mahal na mahal ko siya. Sa moder­nong panahon ngayon, na sabi nila ay hindi na uso ang birhen, kay Mi­chelle ko nakitang uso pa pala iyon.

Nang mga sandaling iyon hindi ko naisip na maaaring mabuntis si Mi­chelle. E ano kung mabun­tis? Handa naman ako. Pa­nanagutan ko. Siya na­man talaga ang only love ko.

Nang pauwi na kami, habang nasa taksi ay na­kayakap sa akin si Mi­chelle. Para yatang ayaw na akong bitawan.

(Itutuloy)

vuukle comment

AKO

ALAM

ARA MINA

CHELLE

HANGGANG

MICHELLE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with