^

True Confessions

Ninong (ika-81 na labas)

- Ronnie M. Halos -

SHOCK ako sa mga sina­ bi ng dating kasamahan sa trabaho ni Diana. Kaya pala nag-resign ay dahil pumatol sa kanyang boss. Siguro matanda rin ang boss na pinatulan, katu­ lad ko. Mahilig talaga sa DOM si Diana. Epekto kaya ng pagkaka-rape sa kan­ ya ng stepfather noong dalagita pa siya? Pero na­isip ko baka siya na­man ang kusang nagbigay ng motibo sa stepfather kaya siya nagahasa. O tala­gang nagpagalaw siya sa stepfather.

Hindi rin pala totoong nagtungo sa Tagaytay ang putang babae. Kaya pala nang tawagan ko noon ay may naririnig akong tinig ng lalaki. Naisip ko baka nasa loob sila ng motel ng boss niya at sinabi lamang sa akin na nasa bus na siya at patungo na sa Tagaytay.

“E Sir, sino ka po ba at bakit hinahanap mo si Dia­ na?” tanong ng kasama­han ni Diana.

“A e pinsan niya ako. Matagal na kaming hindi nagkikita kaya dito ko pi­nuntahan. Tinext kasi niya sa akin ang address na ito.”

“Ah, akala ko po e isa ka rin sa mga nabiktima ng kamandag ni Diana,” sabi ng babae at humagikgik. “Joke lang po, Sir,” sabing pahabol.

Pinilit kong ngumiti. Gus­to kong sabihin na isa nga ako sa biktima ni Dia-na pero hanggang ngayon ay hindi ko matanggap.

“E wala ka bang alam na ibang address ni Dia­na? Kasi’y ito nga lang address ng opisina niya ang sinabi.”

“Wala na po. Alam ko po sa Sampaloc siya naka­ tira pero hindi ko maalala ang street.”

“Maliban doon wala na ba?”

Naisipan kong magta­nong ng ilan pa sa babae. Siguro’y may makukuha pa akong impormasyon sa kanya.

“Pero totoo bang nag­ pa­­ka­ matay ang asawa ni Diana?”

Napaangat ang kilay ng babae. Matagal bago nakapagsalita.

“Hindi ko po alam. Ang alam ko nasa Saudi ang asawa ni Diana. Iyon po ang balita niya sa iyo?”

Tumango ako. Siguro nga’y walang alam ang kasamahan niyang ito. Ang tanging alam lang ay nasa Saudi ang asawa ni Diana.

Nagpaalam na ako sa babae. Wala na akong ma­kukuha pang impor­mas­yon sa kanya. Nag­ pa­salamat ako sa babae.

Saan ako pupunta? Iyon ang tanong ko sa sarili habang pababa ng building. Hindi ko alam. Wala akong ideya. Sino pa ang hihingan ko ng tulong para malaman kung na­ saan si Diana. Sa pulis? Magiging katawa-tawa ako. Malalantad ang ka­salanan ko. Mabubulgar ang katangahan ko. Hin­di! Maghahanap pa ako ng ibang paraan. Mag-isa ko itong lulutasin. Haha­napin ang putang baba­ing iyon para mabawi ang aking pera. Hindi ako titigil kahit anong mangyari.

(Itutuloy)

AKO

ALAM

DIANA

E SIR

SHY

SIGURO

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with