^

True Confessions

Warat na sapatos ni Cinderella (ika-70 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni Cindy ng Pasay City)

MINSAN, dumating ang may-ari ng bahay na aming tinitirahan. Isang babaing mataba na maraming kolorete sa mukha. Iyon ang ikalawang pagkikita namin ng may-ari. Ang asawa kasi nito ang kumukuha ng renta tuwing akinse ng buwan. Nagtaka ako kung bakit biglang nagpunta sa bahay.

"Balita ko e maganda na ang buhay mo, ano nga ang pangalan mo?"

"Cindy po."

"Huwag mo akong pupuin at pakiramdam ko e tumatanda ako. Sayang ang pinapagpa-botox ko kahapon."

Napangiti ako. Okey naman palang kausap si Balyena. Pero bakit kaya niya nasabi na okey na ang buhay ko.

"Tama nga ang nagsabi sa akin na nakaaangat ka na. Saan ka naman nakakita na me aircon ang isang nakatira sa squatters area."

Nakatingin siya sa aircon na nakakabit sa may dingding.

"Masyado pong mainit lalo sa gabi. Kawawa naman ang anak ko."

"Oo nga. Masyadong mainit dito. Tama lang yan. Marami ka namang pambayad sa kuryente. Ano ba ang raket mo at medyo gumanda ang buhay?"

Ngumiti lamang ako. Hindi ko maaaring sabihin na kaya medyo maganda ang aming buhay ay dahil sa padala ng ka-penpal na Kano.

"Malihim ka. Sabagay tama ‘yan, huwag mong sasabihin sa iba ang sekreto at baka ka gayahin. Sarilinin mo na lang ang sekreto. Lalo pa rito sa lugar na ito na maraming tsismoso at tsismosa."

"Oo nga po. Maraming inggetera rito."

"Teka napapalayo na ang ating usapan. Ang dahilan kaya ako nagpunta rito ay para ka alukin…" sadyang ibinitin ang sasabihin.

"Alukin po ng ano? Sige po at kukuha ako, para ‘yan lang."

Nagtawa si Balyena.

"Ikaw naman napakabilis umuo e hindi ko pa nasasabi ang iaalok ko."

"Ano po ba iyon?"

"Iaalok ko sana ang bahay at loteng ito sa iyo. Murang-mura lang. Bilhin mo ang rights."

Hindi ako nakapagsalita. Bakit kaya ipagbibili ni Balyena?

"Aalis na kami rito sa Pilipinas. Punta kami sa Tate. Wala na akong pag-iiwanan. Ano, kunin mo?"

"E teka po."

"Huwag ka nang tumeka-teka at ikaw pa lang ang una kong inalok. Kapag inalok ko ito sa iba tiyak na sasakmalin agad ito dahil murang-mura…"

"Magkano po ba?"

"Ayan at pinupo mo na naman ako. Sabi ko nga sa’yo kabo-botox ko lang kahapon…"

Napangiti uli ako.

"Magkano nga?"

"One hundred lang."

"One hundred pesos?"

"Sus marya, ano ka ba? Wala nang nabibili ang P100 no? One hundred thousand pesos, iha."

"Ay ang mahal."

"Tampalin kita diyan, Cindy. Bahay at lupa ito. Saan ka makabibili ng bahay at lupa ng P100 thou?"

"Baka naman puwedeng bawasan…"

"Sige 95 thou na lang."

"Di ba puwede 85 na lang."

"Sus marya, gusto mo yata hingin na lamang itong bahay at lupa ko."

"Sige na."

"Sige na nga."

"E teka, meron bang titulo ito?" tanong ko.

"Sus marya, rights nga lang e, maghahanap ka pa ng titulo."

Kaya pala.

Nagkasundo kami. Bahala na. Ang mahalaga e sarili ko kahit na walang titulo ang bahay at lupa.

Sabi ko bumalik siya kinabukasan at magwi-withdraw lang ako ng pera.

(Itutuloy)

AKO

ANO

BALYENA

CINDY

LANG

SIGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with