Warat na sapatos ni Cinderella (ika-11 na labas)
February 4, 2007 | 12:00am
(Kasaysayan ni Cindy ng Pasay City)
NATANGAY ako sa ginawa ni Jomar makaraang batakin at mahubad nang tuluyan ang panty. Doon magaling si Jomar. Eksperto sa sexology. Mahusay magpasilakbo. Kanya-kanyang espesyalidad ang tao. Kanya-kanyang pangarap gaya ko na marub-dob ang pagnanasang makarating sa Tate. Makapag-asawa ng Kano at mapaunlad ang buhay, hindi sa akin lamang kundi pati ina at kapatid at madadagdag na rin si Jomar at ang isisilang ko.
Parang asong ulol si Jomar na matagal hindi nakatikim ng karne. Grabe ang ginawa na halos nalilimutan kong mara- mi kaming kinakaharap na problema sa buhay. Palamunin kaming pareho at kapag ipinanganak ang ipinagbubuntis ko, dagdag sa bubuhayin ni Nanay.
Lumangitngit ang spring bed na kinahihigaan namin. Ingit na parang nililindol ang paligid. Matagal ang ingit na para bang hindi na matatapos. Hindi na inalis ang aking pang-itaas. Ang saplot lamang sa ibaba ang inalis para maganap ang pagmamahalan. Hindi na namin naisip na baka pumasok si Nanay. O biglang dumating si Patsy mula sa school at magtungo sa aming silid. Madaling makikita ang aming gina- gawa dahil ang nagsisil-bing pinto ay kurtinang sako.
Natapos ang pag-ingit ng spring bed. Ang ulol na aso ay tumigil na sa paghalhal. Umalis sa nilantakang pagkain.
Hinagilap ko ang panty at isinuot. Tumabi sa akin si Jomar matapos isuot ang brief at short.
"Eksperto ka talaga sa Sexology," sabi ko at tinapik siya sa hita.
Ngumiti lang.
"Ano nga ba ang balak mo Jomar?"
"Balak saan?"
Eto na naman kami. Sa Sexology nga lang siya mahusay.
"Hindi ka ba maghahanap ng trabaho?" "Ah, siyempre maghahanap. Kaya lang ay ano kaya ang trabahong hahanapin ko."
"Janitor lang naman ang nakukuha ng high school grad di ba?"
"Bukas maghahanap ako ng trabaho."
"Sige. Para naman mayroon tayong maihanda sa baby natin. Baka sako ang gamitin nating lam- pin kapag hindi ka nakakita ng trabaho."
Pero kinabukasan ay mantikang matulog si Jomar. Kung hindi ko pa inuga ang spring bed ay hindi babangon. Alas otso na. Halos lahat ng mga tao ay nasa labas na pero si Jomar ay nakapamaluktot pa.
Umalis din siya at maghahanap daw ng trabaho. Pero nang umuwi kinahapunan ay walang naibalita kundi wala raw bakante sa pinuntahan. Pero ang hula ko, hindi siya naghanap ng trabaho. Sa bahay ng magulang nagtungo at doon ipinagpatuloy ang pagtulog.
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended