Darang sa Baga (Ika-177 na labas)
March 9, 2006 | 12:00am
(Kasaysayan ni Nena ng Mandaluyong City)
ABORTION. Iyon ang naisip kong paraan. At ang matandang binilhan ko ng nakababad sa "lapad" ay mayroong kilalang gagawa niyon.
"Magkano naman Manang ang magagastos?"
"Dalawang libo."
Hindi ako nagsalita. Kahit pa limang libong piso ay maaari akong magbayad. Basta mawala lamang ang nasa tiyan ko.
"Ano?" tanong ng matanda.
"Saan po ba yon?"
"Sa Tondo."
"Sige ho babalik ho ako rito kapag nagdecide na ako."
"Kailan pa pag malaki na iyan?"
Hindi ako nakasagot.
Umalis na ako.
Habang nasa dyip ako at pauwi ay malalim ang aking nasa isip. Kung anu-ano ang pumasok. Kapag natuloy ang pagbubuntis ko, masisira ang mga diskarte ko. Hindi na ako makapagsusugal, hindi na makapaglalakwatsa at kung anu-ano pa. Sa dakong huli ay minumura ko na naman sa isip si Ramon. Kung hindi dahil sa kanya ay hindi ako mabubuntis.
Nakarating ako sa bahay na tila wala sa isip. Ang nasa isip ko pa rin ay ang matandang babaing nagtitinda ng pamparegla sa may simbahan ng Quiapo.
Hindi ko tuloy napansin ang paglapit ng anak ko. Nagpapakarga sa akin. Mainit ang ulo ko kaya patuloy kong hindi pinansin. Pati ang katulong kong si Lani ay minura ko rin.
Hindi ko itinuloy ang pagpapa-abort. Natakot ako.
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended