Hiyasmin (142)
Ayaw magising si Hiyasmin kahit ilang beses nang kumatok si Dax. Kakain na sila. Nakaluto na siya ng hapunan nila.
Kumatok uli siya.
Walang kumikilos sa loob. Baka napahimbing nang todo. Baka akala ay gabi na kaya napasarap ang tulog. Pagod na pagod nga siguro. Kanina, habang taksi sila ay nakatulog na ito at nakasubsob pa sa balikat niya. Kawawa naman. Napalaban sa first day ng trabaho.
Ano kaya ang mabigat na trabaho na naging dahilan at napagod si Hiyasmin. Kadalasan ang mga baguhan ang pinagtatrabaho ng mga datihan—parang binibinyagan. Naranasan niya iyon nang magtrabaho sa unang ad company. Siya ang pinagko-conceptualized at kung anu-ano pa. Siya naman ay sunud-sunuran. Pero malaki rin naman ang naitulong sa kanya dahil nahasa siya bilang copywriter.
Palagay niya gayun ang ginawa ni Hiyasmin kaya pagod na pagod ito. Sabagay sa umpisa lang naman. Kapag tumagal, balewala na.
Kailangang gisingin niya si Hiyasmin para makakain. Mahirap matulog na walang laman ang tiyan. Baka malipasan ng gutom at magkasakit.
Marami na siyang nabasa na may masamang epekto ang pagtulog na walang laman ang tiyan.
Nang hindi pa rin sumagot si Hiyasmin, pinihit ni Dax ang door knob. Bukas naman pala! Nalimutang i-lock.
Ipinasya na niyang pumasok para gisingin si Hiyasmin.
Dahan-dahan siyang pumasok.
“Hiyasmin!’’ tawag niya.
Walang sagot.
Pumasok na siya.
Nagulat siya nang makita si Hiyasmin.
Nakatagilid sa pagkakahiga. Walang bra! Naka-panty lang!
Nalimutan nang magdamit dahil siguro sa pagod at antok.
Napaatras si Dax. Nakakahiyang lapitan at tapikin.
Baka isipin ni Hiyasmin na sinasamantala ang pagkakataon. Nakakahiya na pumasok siya nang walang paalam.
Tumalikod siya para lumabas na. Siguro naman, magigising ito kapag nakaramdam ng gutom. Hayaan na nga niya.
Humakbang siya patungo sa pinto.
“Sir Dax!’’
(Itutuloy)
- Latest