Creamline magbabawas ng errors para sa pagdedepensa ng PVL All-Filipino crown
MANILA, Philippines — Kung mayroon mang dapat ayusin ang nagdedepensang Creamline sa kanilang kampanya sa 2024-25 Premier Volleyball League All-Filipino Conference, ito ay ang kanilang mga errors.
Ito ang tinukoy ni team captain Alyssa Valdez na kailangan nilang limitahan para maipagpatuloy ang mainit na ratsada sa torneo.
“We have to contain and minimize our errors talaga,” wika ni Valdez.
“For sure, nakita rin ‘yun ng coaches namin and ‘yun din ‘yung ia-address namin sa practice,” dagdag pa nito.
Tangan ng Cool Smashers ang imakuladang 4-0 record kung saan ang huli nilang naging biktima ay ang ZUS Coffee Thunderbelles, 25-22, 28-30, 26-24, 17-25, 15-13, noong Disyembre 12.
Sa nasabing panalo ng Creamline ay humataw sina Valdez at Bernadeth Pons ng tig-17 points.
Nagbigay ang Cool Smashers sa Thunderbelles ng 33 points mula sa kanilang mga unforced errors.
Ayon kay Valdez, ito ang dapat nilang resolbahan pagpasok ng taong 2025.
Matapos ang Christmas break ay magbabalik ang PVL All-Filipino Conference sa Enero 18 tampok ang tatlong laro.
Lalabanan ng Farm Fresh ang Nxled sa ala-1:30 ng hapon kasunod ang upakan ng ZUS Coffee at Choco Mucho sa alas-4 ng hapon at ang laro ng PLDT at Akari sa alas-6:30 ng gabi.
- Latest