^

PSN Palaro

Elasto Painters nagbaon ng panalo bago mag-pasko

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Elasto Painters nagbaon ng panalo bago mag-pasko
Ang jumper ni Rain or Shine import Deon Thomp- son laban sa humabol na si Brandon Edwards ng Terrafirma. (PBA Image)
STAR/ File

MANILA, Philippines — Ipininta ng Rain or Shine ang ikaapat na sunod na panalo matapos ta­lunin ang Terrafirma, 124-112, sa Season 49 PBA Commissioner’s Cup kaha­pon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Itinaas ng Elasto Pain­ters ang kanilang baraha sa 4-1 at ibinagsak ang Dyip sa 0-7.

“We got the stops that we needed at the crucial times. Then we got into our late game transition,” sabi ni coach Yeng Guiao na nakahugot kay import Deon Thompson ng 23 points, habang may 21 mar­­kers si Adrian Nocom.

Nagdagdag si Andrei Ca­racut ng 15 points at may 11 at 10 markers sina Leonard Santillan at Anton Asistio, ayon sa pagkaka­su­nod.

Naging problema ng Rain or Shine ang post-up game ng Terrafirma kung saan kinuha nito ang 12-point lead, 37-25, sa first period.

“I thought the whole time na mag-struggle kami dito kung hindi namin ma­ha­napan ng solusyon iyong prolema namin, iyong sa post game nila. Mabuti na lang na-stop namin at the right time,” ani Guiao.

Inagaw ng Elasto Pain­ters ang first half, 66-62, ngunit nakabalik ang Dyip at inilista ang 80-71 benta­he sa 6:54 minuto ng third quarter.

Sa likod nina Nocom at Caracut ay nabawi ng Rain or Shine ang 110-108 bentahe sa 5:06 minuto ng fourth period.

Doon na natengga ang Terrafirma.

Isang 13-3 atake ang ginawa ng Elasto Painters para ibaon ang Dyip sa 123-110 sa 1:23 minuto ng laro.

RAIN OR SHINE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with