^

True Confessions

Susie san: Japayuki (Ika-15 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Ang mga pangalan ng tauhan at lugar sa kuwentong ito ay binago ng may akda sa pakiusap na rin ng nagtapat.)

IGLAP lamang at balik na uli ako sa Kamakaura City pagkaraan ng ilang buwan. Nakadama ako ng kahomsikan. Pero nilabanan ko iyon. Ang hayop kasing si Roy at masyado akong pinaligaya na para bang ayaw ko nang mag-Japan at nang magkasama na kami lagi.

Parang nangangapa ako sa unang gabi sa club. Wala rin ako sa mood. Walang gana.

"Hoy Japan na ito at hindi Pinas no? Gumising ka na. Trabaho ka na," sabi ni Au nang makitang tila wala ako sa mood.

"Ang sarap sa atin. Marami nang nabago," sabi ko.

"Ganyan din ako nun. Kala ko nga hindi na ako babalik dito. Masarap lang dun kapag marami ka pang ipinapalit na "lapad" kapag wala na, maisusumpa mo na naman ang hirap."

Parang natauhan ako sa sinabi niya. Totoo. Nang maubos ang dala kong "lapad" para na naman akong pulubi. Ni hindi ko nga nalaman kung paano naubos iyon gayong wala rin naman akong gaanong nabili. Appliances lang at mga damit ni Roy. Kaya nang isang umagang humingi ng pambili ng beer si Itay ay sinabi kong last na iyon. Nakatingin sa akin na para bang pinagdadamutan ko. Hindi yata naniniwala na wala nang pera ang anak niyang "japayuks".

"Kaya ang payo ko sa iyo, samantalahin habang narito. Sabi ko nga sa’yo hindi na magtatagal at magkakahiwalay tayo. Hindi na ako magiging dancer dito kundi magbubuhay-donya na lamang sa atin. Pakakasalan na ako ng matanda kong boyfriend."

Naiinggit ako kay Au. Pero naisip ko rin naman, kung sakali at may nadenggoy akong matandang Hapones, kayanin kaya ng sikmura ko? At saka paano si Roy? Hindi ko yata kayang palitan si Roy na masarap romomansa. Kung sa matandang Hapones ako babagsak, baka hindi ako madala sa rurok ng ligaya na katulad ng ginawa ni Roy. (Itutuloy)

AKO

AU

HAPONES

HOY JAPAN

KAMAKAURA CITY

KAYA

NANG

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with