^

True Confessions

Maria Soledad (Ika-102 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Ang ilang pangalan ng tauhan at lugar sa kuwentong ito ay binago ng may-akda sa pakiusap ng nagtapat).

Ibinuhos ko ang lahat ng makakaya sa pag-aaral. Ayaw kong mapahiya kay Ate Josie na todo-todo ang suporta sa akin para ako makatapos. Maski nga may mga kaklase akong lalaki na lihim na nagpapahiwatig sa akin ng pag-ibig ay hindi ko pinansin. Marami ang nag-attempt na ligawan ako at ang iba ay gustung-gusto akong ihatid sa bahay pero hindi ako pumayag. Hindi pa ako handa sa mga bagay na iyon. Aywan ko pero wala sa pagliligawan ang aking atensiyon kundi sa pangarap kong makatapos at magkaroon ng magandang trabaho.

Hindi naman ako nabigo sapagkat isa ako sa mga naging cum laude nang matapos ang aking kursong mass communications. Naidepensa ko nang walang kahirap-hirap ang aking thesis.

Sa araw ng graduation ko, bagamat may nadarama akong lungkot ay hindi ko na binigyang pansin iyon. Ang mahalaga ay nakatapos ako. Si Ate Josie ang tanging testigo nang aking pagtatapos.

Habang naglalakad ako papunta sa stage ay para akong nakatuntong sa ulap. Napakasarap ng pakiramdam na maabot ang pangarap dahil sa pagsisikap. Naalala ko ang mga hirap na pinagdaanan. Ang akala ko, wala nang pag-asa, iyon pala’y malaki pa. Si Ate Josie ang nagpalakas ng loob ko. Siya ang nagbigay ng inspirasyon.

"Congrats, Sol," sabi ni Ate Josie nang matapos ang graduation.

"Salamat Ate Josie,"

"Alam ko kung gaano ka kasaya. Kaninang naglalakad ka patungong stage, parang naglalakad ka sa ulap."

"Oo nga Ate Josie. Nagpapasalamat ako sa mga tulong mo."

"Kapag me trabaho ka na, tiyak na lalo kang lalakad sa ulap."

"Sana makakita agad ako ng trabaho para makaganti sa ‘yo,"

"Huwag mong intindihin ‘yon. Tiyak ko, makakakita ka agad. Sino ba naman ang tatanggi e cum laude ka at bukod doon e napakaganda pa. Paalala ko lang huwag kang kakabit sa boss ha?"

Napahagalpak ako ng tawa.

Hindi na ako pinagtrabaho sa fast food ni Ate Josie. Hinayaan akong maghanap ng trabaho. Tutal naman daw ay tapos na ako, hindi na bagay sa akin ang maging serbidora.

"Kaya lang Sol, alam mo bang nabawasan ang mga customer natin mula nang hindi ka na nagsisilbi sa fast food? Ikaw ang hinahanap ng mga lalaking kustomer. Kasi ang ganda-ganda mo raw."

Napangiti naman ako.

"Bakit daw nawala na ‘yung mukhang Arabyana na nagsi-serve," sabi pa ni Ate Josie at tinampal ako sa braso.

"Anong sabi mo Ate Josie?"

"Sabi ko, hindi ka na serbidora. Graduate ka na at baka ilang buwan pa ay matanggap ka nang copywriter sa isang ad agency."

"Sana nga po Ate Josie. Sa isang ad agency talaga ang gusto ko."

Ang mga sinabing iyon ni Ate Josie ay nagkatotoo. Natanggap akong copywriter sa isang malaking advertising company na ang opisina ay nasa Buendia Avenue sa Makati. Mga bagong talino ang hinahanap at isa ako sa napili. Malaki agad ang suweldo. Totoo rin ang sinabi ni Ate Josie, na tumuntong ako sa ulap nang matanggap sa trabaho.

(Itutuloy)

AKO

ATE

ATE JOSIE

BUENDIA AVENUE

JOSIE

NANG

SI ATE JOSIE

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with