^

True Confessions

True Confession ni Nelia, isang DH sa HongKong: 'Pisil sa palad'

- Ronnie M. Halos -
(Ika-85 labas)
HINDI ko na binigyang-pansin ang mga nakitang butas sa pader ng banyo at ang ginagawa ko na lamang ay ang pag-iingat kung naliligo. Kung noong una ay naliligo ako sa tapat mismo ng dutsa, at malayang nagsasabon ng hubad na katawan, ang ginawa ko na lamang ay ang magtabo. Hindi ko binigyan ng pagkakataon na masilipan kung sino man ang gumagawa niyon. Kahit na nga malaki ang hinala ko na si Mr. Mayman iyon (dahil dalawa lang naman ang lalaki sa bahay na iyon), ay nag-ingat na ako. Sa ginawa kong pagbabago ng estilo sa paliligo ay natitiyak kong wala nang makikita ang sinumang namboboso sa akin. Tiyak na magkakandahaba ang leeg at manlalaki ang mata subalit walang makikita.

Ang kasunod pala niyon ay mas matindi pa sapagkat nagkaroon na ako ng matibay na paniwalang si Mr. Mayman ang namboboso sa akin. Nagpakita na ng bahid ng pagnanasa sa akin si Mr. Mayman na nagsimula minsang ako ay inutusan niyang bumili ng shawarma sa malapit na grocery sa aming tirahan. Hindi ugali ni Mr. Mayman na magpabili ng shawarma subalit nagtaka ako ng hapong iyon na dumating siya at karaka akong inutusan sa grocery. Nang hapong iyon ay mas naunang dumating si Mr. Mayman kaysa kay Rashid. Nagtataka rin ako kung bakit hindi kasama ni Mr. Mayman si Mrs. na dati naman ay sabay silang dumating kung alas-sais ng gabi.

"Kam shawarma?"
tanong ni Mr. Mayman sa akin.

"Kamsa riyal,"
sagot ko naman. May ginagawa ako sa sala nang dumating siya. Pinupunasan ko ng alikabok ang mga kasangkapan doon.

Dumukot ng pera sa kanyang bulsa si Mr. Mayman. Fifty riyals ang iniabot sa akin. Nang iabot ang pera ay aywan ko kung sinadyang pisilin ang aking palad. Muntik ko nang mabitiwan ang pera sa ginawa niya.

Sinabi ni Mr. Mayman na tatlong shawarma ang bilhin ko. Pagkatapos niyon ay mabilis na akong lumakad patungo sa grocery na may limang minuto lamang marahil lakarin.

Nang bumalik ako sa bahay at iabot ko ang shawarma kay Mr. Mayman ay maayos naman niya iyong tinanggap. Ang hindi ko inaasahan ay nang tumalikod ako para ipagpatuloy ang paglilinis. Pinisil niya ang aking puwit na labis kong ikinagulat. (Itutuloy)

vuukle comment

AKO

DUMUKOT

IKA

ITUTULOY

KAHIT

KAMSA

MAYMAN

MR. MAYMAN

NANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with