True Confession ni Nelia, isang DH sa HongKong: 'Maliit ang mundo' (Ika-50 labas)
July 21, 2002 | 12:00am
PAGKATAPOS kong bumili ng ilang mamahaling alahas ay nakadama ako ng gutom. Hindi ako gaanong nakakain ng almusal. Noon ay mag-aalas diyes na ng umaga. Bitbit ko ang mga pinamili sa dalawang shopping bags ay lumabas na ako ng gold store at balak magtungo sa Kamayan restaurant na tanaw ko na lamang.
Paglabas ko ng gold store ay eksakto ang pagdaan ng isang babaing kilalang-kilala ko si Vicky. Alam kong ako ang unang nakakita sa kanya sapagkat nakatingin siya sa nilalakaran. Siya ang aking kapitbahay na minsan nang naging DH sa Saudi. Nagbalik din pala sa Saudi ang bruha. Ang akala ko ay isinumpa na niya ang mga Saudi dahil hindi raw siya pinasusuweldo.
Balak ko sanang bumalik sa loob ng goldstore upang maiwasan ang aking kapitbahay subalit huli na, nakita na niya ako. Hindi na ako makaiiwas. Naisip ko naman, bat naman ba ako iiwas. Siguro naman ay wala pang nakaaalam ng ginawa kong pagpatol sa aking tinedyer na amo. Ako lamang ang tumatakot sa aking sarili.
"Nelia," bati ni Vicky. Lumapit ito sa akin. "Kumusta?"
"Mabuti, naman. Akala ko di ka na pupunta rito sa Riyadh?"
"Mahabang kuwento," sabi nito at ngumiti.
"Halika, kumain tayo roon," itinuro ko ang Kamayan.
"Ay huwag diyan, hindi masarap ang luto diyan. Doon tayo sa silong ng Batha Hotel. Maraming restaurant doon. Bukod doon, mga guwapo pa ang nagse-serve. Malay mo makadale tayo,"
Para akong tinamaan sa sinabi ni Vicky. Nagtungo kami sa silong ng Batha Hotel. (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended