^

True Confessions

Yapak Sa Bubog (Ika-114 na Labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayang ipinadala ni Ren E. ng Al Khobar,Saudi Arabia.Si Ren ay 10 taon nang nagtatrabaho sa Saudi.Ang iba pang pangalan at lugar ay binago sa pakiusap ni Ren.)

"MAZA al-khair!"
bating nakangiti ni Aziza. Lalong tumingkad ang kagandahan dahil sa mapulang ilaw sa aking kuwarto. Hanggang tuhod ang manipis niyang damit na humahakab sa katawan. Naaninag ko ang mga itinatagong parte ng katawan. Halatang wala siyang bra. Nakikita ko ang dalawang mayayabang na umbok.

Hindi ko na sinagot ang bati ni Aziza dahil sa naghalong pagkabigla sa pagpasok niya. Nanatili ako sa pagkakahiga sa kama. Si Ellie ang inaasahan kong darating subalit si Aziza ang nasa harapan.

Nakalapit siya sa kama ko. Para naman akong natuka ng ahas dahil iniisip ko na maaaring anumang sandali ay susungaw na rin sa kuwarto ko si Ellie.

"Ayomken an ajlos hona?"
tanong nito.

Naloko na! Puwede raw ba siyang maupo sa kama sa tabi ko. Para bang humihingi pa ng paumanhin at nagpapaalam sapagkat baka nakagagambala. Nagtataka ako sa inaasal ni Aziza. Parang mahinhin sa pagkakataong iyon. Ano pa ang magagawa ko? Maaari ba akong tumutol. Bahagya akong umusod. Tinangka ko pang bumangon subalit pinigil ako ni Aziza.

"La!"
sabi nito. Ang tinig ay sa isang nag-uutos. Huwag daw akong bumangon.

Maingat siyang tumabi sa akin sa pagkakahiga. Naloko na! Maaaring dumating si Ellie at tiklo kami. Matatambad ang lihim. Ako at si Aziza ay mahuhubaran. At gaano ako katiyak na kung matutuklasan ni Ellie ang aming relasyon ay baka gumanti. Baka sa pagdidilim ng isip ay makadampot ng patalim at pagsasaksakin kami. Baka sa pagkabigla ay magsisigaw at siyempre magigising sina Sir Al-Ghamdi at Mam Noor. Tiyak na malalaman ang bawal naming relasyon. Ako ang madidiin kahit na nagpakita ng motibo sa akin si Aziza. Ako ang kawawa sa dakong huli.

Ang hindi ko inaasahan ay nang idampi ni Aziza ang kanyang kamay sa aking "harapan". Napapitlag ako. Pilya na ang dalagang Araba. Natututo na.

"La!"
sabi kong pabigla.

Napatingin sa akin si Aziza. Nagtataka. Binawi ang pagdampi sa aking "harapan". Tinanong ako kung bakit.

Kailangan kong magsinungaling. Kahit na gusto kong magkaniig kami, ang pagkatakot ang nanaig sa akin. Ayaw ko pa rin namang mapahamak sa pagkakataong iyon.

"Ana maridh. Eni mosab be homa,"
sagot ko. Maysakit ako. Nilalagnat.

Sapat iyon para mabuhusan ang nakikita kong pagnanasa ni Aziza.

"Asef,"
sabi ko pa.

Okey lang kay Aziza. Lumabas na ito ng kuwarto.

Kalahating oras ang lumipas, si Ellie naman ang dumating.

(Itutuloy)

AKO

AL KHOBAR

AZIZA

ELLIE

MAM NOOR

NAGTATAKA

NALOKO

REN E

SAUDI ARABIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with