^

Probinsiya

21 ambulansya ipinamahagi sa Quezon LGUs

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY , Philippines —  Malugod na tinanggap ng mga city at municipal mayors ang 21 land ambulances na ipinagkaloob sa mga Local Government Unit (LGUs) ng Quezon province sa ginanap na turnover ceremony sa Quezon Provincial Capitol, dito sa lungsod noong Miyerkules.

Ang programa ay pinangunahan ni Assistant Secretary of Health Dr. Ariel I. Valencia, Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa pamumuno ni Governor Angelina “Doktora ­Helen” Tan, Vice Governor Anacleto Alcala III, Quezon 2nd District Representative David “Jay-jay” ­Suarez, at tanggapan ni Senator Juan Eduardo “Sonny” M. Angara sa pangangatawan ni Mr. Rhom Frias kasama si Provincial Health Officer Dr. Kristine Mae-Jean M. Villaseñor at Quezon Provincial Health Team Leader Dr. Juvy Paz Purino.

Ang pamamahagi ng 21 ambulasya ay bahagi ng proyekto ng DOH Health Facilities Enhancement Program (HFEP) na pinondohan sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA) 2023 sa tulong ni Senator Sonny Angara.

Nakapagbigay ng isang unit ng land ambulance sa sumusunod na mga bayan: Lucena City, Jomalig, Patnanungan, Panukulan, Burdeos, General Nakar, Buenavista, San Francisco, San Narciso, Mulanay, San Andres, Macalelon, General Luna, Unisan, Agdangan, Perez, Tagkawayan, Guina­yangan, Quezon, San Antonio, at Alabat. Ang bawat unit ay kumpleto sa medical equipment na kinakailangan upang makapagbigay ng agarang atensyong medikal.

Ito ay bahagi ng Universal Health Care Act at 8-Point Action Agenda ng DOH na layong mapalapit at mapabilis ang pagbibigay ng kalidad na serbisyong kalusugan sa publiko. 

vuukle comment

LGUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with