^

Probinsiya

Rider na kasali sa motorcycle competition salpok sa van, dedo

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Rider na kasali sa motorcycle competition salpok sa van, dedo
Namatay habang dinadala sa ospital ang biktimang si “Kim” na residente ng Del Gallego, Camarines Sur at kalahok sa “1st Guina­yangan Motorcycle Endurance Challenge” sa Guinayangan, Quezon.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Isang motorcycle rider na kasali sa kompetisyon ang namatay matapos na sumalpok sa kasalubong na van kahapon ng umaga sa lalawigan ng Quezon.

Namatay habang dinadala sa ospital ang biktimang  si “Kim” na residente ng Del Gallego, Camarines Sur at kalahok sa “1st Guina­yangan Motorcycle Endurance Challenge” sa Guinayangan, Quezon.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat ng Agdangan Municipal Police, naganap ang aksidente dakong alas-8:30 kahapon ng umaga sa highway na sakop ng Brgy. Salvacion, Agdangan, Quezon.

Sinasabing pabalik na ang rider sa lugar ng kompetisyon nang mag-overshoot  sa kabilang linya at nasalpok ang  Hi Ace commuter van na minamaneho ng isang alyas “Jayson”, 27 anyos.

Sa lakas ng pagkakabangga, nawasak ang motorsiklo ng biktima.

vuukle comment

KIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with