^

Probinsiya

Eid’l Adha sa Central Mindanao, mapayapa

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Eid�l Adha sa Central Mindanao, mapayapa
abilang sa mga dumalo sa Eid’l Adha congrega- tional prayers sa Camp Siongco sa Datu Odin Sin- suat sa Maguindanao del Norte ay mga babaeng Muslim at kanilang mga anak.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines — Mapayapa ang mga Eid’l Adha outdoor prayer rites sa Central Minda­nao nitong umaga Linggo kung saan nanawagan sa mga Muslim ang kanilang mga misyonero, sa kanilang mga sermon, na ipagpatuloy ang pagpapalaganap ng pagkakaisa nila sa mga Kristiyano at indi­genous people sa bansa.

Ginanap ang natu­rang pagtitipon at pagdarasal ng mga Muslim, kaugnay ng Eid’l Adha, sa maraming lugar sa Central Mindanao, kabilang na ang Camp Siongco sa Barangay Awang sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte, ang kinaroroonan ng headquarters ng 6th Infantry Division.

Isa ang misyonerong si Captain Alinair Guro ng 6th ID, isang Maranao, sa maraming mga Ustadz, o Islamic preachers, sa Cotabato City at sa mga probinsya ng Maguindanao del Sur at Maguindanao del Norte, na nanawagan sa mga dumalo sa mga Eid’l Adha congregational worship rites sa ibat-ibang lugar na ipalaganap ang turo ng Islam tungkol sa pakikipagkapatiran sa mga hindi Muslim.

Maraming mga Ustadz din sa iba’t ibang lugar sa Bangsamoro region at sa mga probinsya ng Cotabato, Sultan Kudarat, South Cotabato at Sarangani na sakop ng Region 12, ang nagsalita hinggil sa responsibilidad ng mga Muslim na maging instrumento ng kapayapaan upang mapatunayan na ang Islam ay naglalayong maisulong ang pagkakaisa at kapayapaan para sa lahat, kabilang na ang mga hindi Muslim.

Ang Eid’l Adha, isa sa mahalagang Islamic religious holiday, ang siyang pagtatapos ng taunang hajj, or pilgri­mage sa Makkah, Saudi Arabia, ng mga Muslim mula sa ibat-ibang panig ng mundo.

vuukle comment

EID’L ADHA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with