^

Probinsiya

Tahong sa baybayin ng Samar, bawal kainin - BFAR

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi ligtas na kainin ang shellfish meat tulad ng tahong, talaba at halaan mula sa karagatan ng Samar.

Ito ang anunsyo ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) makaraang mapatunayan sa isinagawang pagsusuri na may Pyro­dinium bahamense, isang toxic micro-organism na nagdudulot ng paralytic shellfish poisoning (PSP) sa baybayin ng Samar.

Partikular na apektado ng naturang organismo ang Irong-Irong Bay sa Catbalogan City, Samar at sa Matarinao Bay sa General MacArthur, Quinapondan, Hernani, at Salcedo sa Eastern Samar.

Bukod sa shellfish meat, bawal ding kainin ang alamang mula sa naturang baybayin.

Sa kabila nito, ligtas namang kainin ang isda, pusit, hipon at alimango mula sa naturang baybayin basta’t linisin munang mabuti bago lutuin at kainin.

BFAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with