‘Pilipinas Bansang Pinili’ ipakikilala sa 2-day event
MANILA, Philippines — Ang Pilipinas Bansang Pinili (PBP) ay pormal na ipakikilala sa mga pinuno nito sa buong bansa sa dalawang araw na pagsasama-sama sa Crab Hotel, El Presidente Beach Resort, Buguey, Cagayan, sa Nobyembre 22-23, 2024.
Ang non-sectarian group ay itinatag noong 2007 ni missionary Irene Garcia sa Jose City, Nueva Ecija at dumami sa buong bansa.
Si Garcia ang may akda ng Traits and Habit Towards Change (Ugali at Kalooban Tungo sa Pagbabago) digest.
Ang dalawang araw na kaganapan na may temang: “Maka-Diyos, Maka-tao, Makabayan at Makakalikasan” ay lalahukan ng mahigit 200 pinuno ng grupong Rizalista mula sa Rehiyon 1 hanggang 13 at ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Binigyang-diin ng Rizalismo ang kahalagahan ng edukasyon, pag-ibig, pag-asa, pananampalataya at pag-ibig sa kapwa.
- Latest