^

Probinsiya

3 sasakyan hulog sa bangin: 2 patay, 5 sugatan

John Unson - Pilipino Star Ngayon
3 sasakyan hulog sa bangin: 2 patay, 5 sugatan
Pahirapan ang ginawang pag-rescue ng mga awtoridad sa mga sakay ng tatlong sasakyan na sabay-sabay nahulog sa bangin matapos na mawalan ng preno ang isang freezer-type truck na may kargang frozen bangus, na ikinasawi ng dalawa katao at ikinasugat ng lima pa sa Quezon, Bukidnon nitong Lunes.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines — Dalawa katao ang patay habang limang iba pa ang sugatan nang araruhin ng isang freezer-type truck ang isang L300 van at isang motorsiklo at sabay-sabay na mahulog sa bangin sa tabi ng highway ng Barangay Palacapao sa bayan ng Quezon sa Bukidnon nitong Lunes.

Kinumpirma kahapon ng mga opisyal ng Quezon Municipal Police Station at  Bukidnon Provincial Police Office ang pagkasawi sa naturang aksidente ni Mohammad Exan Bola, 53-anyos, taga-Marawi City sa Lanao del Sur, at ng 26-anyos na si Jayser Pendorat Bautil, ng Barangay Kalilangan, Pantar, Lanao del Norte, na siyang helper ng driver ng freezer-type truck.

Lima pang sakay ng freezer-type truck, ng van at ng motorsiklo na nasangkot sa aksidente ang isinugod sa pagamutan, ayon sa mga barangay officials at mga kasapi ng Quezon Municipal Police na nagresponde sa insidente.

Lumalabas na nawalan diumano ng kontrol ang driver ng freezer-type light truck na may kargang tatlong to­neladang frozen bangus, nang biglang pumalya ang preno nito habang pababa na sa isang mataas na bahagi ng highway sa Brgy. Palacapao, Quezon kaya nito inararo ang isang motorsiklo at L-300 van na sinusundan nito at sabay na bumulusok sa bangin sa gilid ng highway.

Sa ulat, isa sa mga biktima ng aksidente ang natanggal ang kanang braso at tumilapon sa malayo.

ACCIDENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with