^

Probinsiya

Dahil sa nakakabulahaw na videoke...Magkapatid pinagsasaksak ng kapitbahay, 1 tepok

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Dahil sa malakas na pagkanta at pagpapatugtog ng video­ke, patay ang isang lalaki habang kritikal ang kapatid nito makaraang pagsasaksakin ng galit na kapitbahay, kamakalawa ng gabi sa loob ng isang subdivision sa Brgy. Santiago, General Trias City.

Kinilala ang nasawi na si James Bryan Luna, 34 anyos, ng LRTA Subdivision, Brgy. Santiago ng nasabing lungsod habang inoobserbahan sa ospital ang kapatid nitong si Aldrin Toribio, 19, ng Malagasang, Imus City, Cavite.

Tumakas naman ang suspek na si alyas “Johnson”, miyembro ng Bantay Bayan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-11 ng gabi habang nag-iinuman at nagkakantahan sa video­ke ang mga biktima kasama ang iba pang kamag-anak nang biglang sumugod ang nairitang kapitbahay. 

Dahil sa hatinggabi na at nakakaistorbo ang tugtog sa pagtulog, sinaway ng suspek ang mga biktima pero imbes na makinig ay sinugod pa diumano nila ang una kaya nauwi ito sa suntukan.

Dito na nakadampot ng patalim ang suspek at hinalihaw ng mga saksak ang magkapatid na duguang humandusay saka mabilis na tumakas bitbit ang patalim na ginamit sa krimen.

Kapwa itinakbo sa pagamutan ang magkapatid subalit idineklarang patay ang isa dahil sa tinamong saksak sa katawan.

CRIME

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with