Naga City nagpatupad ng curfew dahil kay super typhoon Pepito
MANILA, Philippines — Dahilan sa matinding banta ng super typhoon Pepito, nagpatupad ng curfew si Naga City Mayor Nelson Legacion sa kanilang lungsod sa Camarines Sur.
Sa ulat ng Office of Civil Defense (OCD) Region V, epektibo ang curfew nitong Sabado ng hapon hanggang sa maglabas muli ng abiso base sa memorandum na nilagdaan ni Legacion.
Ang Naga City bandang alas-11 ng umaga ay isinailalim ng PAGASA sa Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 3 sa super typhoon Pepito.
Sinabi ni Legacion na ang curfew ay para sa interes sa kaligtasan ng publiko base naman sa rekomendasyon ng Naga City Disaster Risk Reduction and Management Council .
Nangangahulugan naman ang curfew na ang mga residente ng lungsod ay bawal lumabas sa kanilang mga tahanan at evacuation sites habang pansamantala ring sinuspinde ang operasyon ng mga pribadong establisyemento.
Habang bawal din ang mga behikulo na bumiyahe maliban na lamang sa sitwasyon ng emergency. Tanging exempted sa curfew ay ang mga emergency response at essential services sa lungsod.
- Latest