^

Probinsiya

3 hepe, 36 pang pulis-Calabarzon sinibak

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
3 hepe, 36 pang pulis-Calabarzon sinibak
Si Lt. Col. Tyrone De Guzman Valenzona, ang pinakabagong chief of police ng San Pedro City, Laguna, ay pinalitan sa puwesto ni Lt. Col. Jaime Pederio Jr. bilang Officer-in Charge ng nasabing himpilan ng pulisya.
Edd Gumban/File

CAMP VICENTE LIM, Laguna , Philippines —  Umabot sa 36 na pulis ng Calabarzon at tatlong hepe ng pulisya ang tinanggal sa kanilang mga posisyon dahil sa umano’y iregularidad ng kanilang pagganap sa mga tungkulin at sa ilalim ng doktrina ng command responsibility, ayon sa pagkakabanggit.

Si Lt. Col. Tyrone De Guzman Valenzona, ang pinakabagong chief of police ng San Pedro City, Laguna, ay pinalitan sa puwesto ni Lt. Col. Jaime Pederio Jr. bilang Officer-in Charge ng nasabing himpilan ng pulisya.

Kabilang pa sa mga inalis sa puwesto sina Lt. Col. Reynaldo Reyes, ng Lucena police station, Quezon at Lt. Col. Jesus Lintag, ng San Juan police station sa Batangas.

Ang tatlong nabanggit na opisyal ay ni-relieved dahil sa command responsibility at mahaharap sa kasong administratibo.

Sina Reyes at Lintag ay pinalitan ni Lt. Cols. William Angway Jr. at Rommel Sobrido, bilang OIC-Chief of Police ng Lucena City, Quezon at San Juan, Batangas, ayon sa pagkakasunod.

Tinatayang nasa 36 police personnel mula sa iba’t ibang police intelligence units na binubuo ng 12 sa Imus City, Ca­vite; walo sa Lucena City, Quezon; walo sa Calamba, Laguna, at walo sa San Juan, Batangas ang sinibak sa kanilang posisyon. Lahat sila ay nasa floating status at nahaharap sa mga kriminal at administratibong reklamo habang sila ay isinailalim sa pre-evaluation charge sa Provincial Police Office.

Lahat ng sinibak na intelligence operatives ay pinatawag na para dumalo sa pagdinig ng House of Representatives na pinamumunuan ni 2nd District, Laguna, Rep. Dan Fernandez sa isinagawang pagdinig hinggil sa illegal drug operation ng mga pulis.

vuukle comment

CALABARZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with