^

Probinsiya

4 bahay, motor inararo ng trailer truck: 3 patay!

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
4 bahay, motor inararo ng trailer truck: 3 patay!
Pawang dead-on-the-spot ang mga biktimang sina Glenda Agustin, 50; Roxanne Agustin, 28; na pawang residente ng Purok 5 Brgy. Bangal; at rider na si Eunice Ann Gonzales, 26, ng Olongapo City.
STAR / File

MANILA, Philippines — Tatlong katao ang nasawi makaraang suyurin ng isang trailer truck isang motorsiklo at apat na bahay sa Brgy. Bangal, Dinalupihan Bataan nitong Sabado ng umaga.

Pawang dead-on-the-spot ang mga biktimang sina Glenda Agustin, 50; Roxanne Agustin, 28; na pawang residente ng Purok 5 Brgy. Bangal; at rider na si Eunice Ann Gonzales, 26, ng Olongapo City.

Ayon sa report ng Dinalupihan Police, nangyari ang aksidente sa Gapan-Olongapo Road sakop ng Purok 5, Brgy. Bangkal dakong alas-5:30 ng madaling-araw.

Nawalan umano ng preno ang trailer truck na minamaneho ni Jo Villoria, 23, sa kurbadang bahagi ng highway at unang sinalpok si Gonzales na sakay ng kanyang motorsiklo na may plakang 830 RTM saka nagtuluy-tuloy sa eskinita sa gilid ng highway patungo sa mga kabahayan ng mga Agustin na noo’y natutulog.

Lumilitaw sa imbestigasyon na nawalan ng preno ang truck na minamaneho ni Villoria, na sanhi ng pagbangga nito sa motorsiklong sinasakyan ni Gonzales saka sumalpok ang truck sa bahay ng mga Agustin habang natutulog.

Tumakas ang 23-anyos na driver ng truck at iniwan ang kanyang pahinante na dinala na ng mga awtoridad sa Dinalupihan Police Station.

Mga kasong multiple homicide at multiple damage to properties ang hinaharap ng tumakas na driver.

vuukle comment

AGUSTIN

GLENDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with