^

Probinsiya

Guro nasapol ng ligaw na bala habang sinasalubong ang Bagong Taon

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

SAN JOSE DEL MONTE CITY, Bulacan, Philippines — Isang guro ang nasugatan matapos umanong tamaan ng stray bullet sa pagsalubong sa Bagong Taon sa Brgy.San Martin ng nasabing lungsod.

Kinilala ang biktimang si Ariane Zayco, 29, dalaga, residente ng Brgy. San Martin 1.

Sa report, nangyari ang insidente,alas-12:20 ng madaling araw nitong Enero 1 na kung saan ay nakatayo sa kanyang kuwarto ang biktima sa kasagsagan ng putukan nang tamaan ng ligaw na bala sa likurang bahagi ng katawan. Sinasabing agad dinala ng kaanak ang biktimang nagtamo ng minor injury sa Ospital ng Lungsod na agad din pinalabas matapos ang gamutan.

Nang makarating sa pulisya ang nangyari ay agad nagsagawa ng follow-up investigation para sa posibleng pagkakakilanlan ng suspek at para na rin mapanagot sa batas.

STRAY BULLET

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with