Submarine drone ng China bumulaga sa Masbate
AFP nag-iimbestiga na...
MANILA, Philippines — Isang masusing imbestigasyon ang isinasagawa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa narekober na submersible drone na hinihinalang pag-aari ng China na napadpad sa karagatan ng San Pascual, Masbate nitong Bagong Taon.
Ito ang kinumpirma kahapon ni Col. Xerxes Trinidad, Chief ng AFP Public Affairs Office (AFP-PAO) matapos namang iturn-over na ng Philippine National Police (PNP) sa kustodya ng Philippine Navy ang submersible drone na natagpuan ng mga mangingisda sa nasabing bayan.
Nitong Enero 1, ay inaanunsyo ni PNP Region V Director P/Brig. Gen. Andre Dizon, ang pagkakarekober ng 3 lokal na mangingisda sa nasabing submersible drone ay may Chinese markings at isang HY-119 model.
Ang nasabing drone ay may kakayahang magsagawa ng komunikasyon, underwater surveillance, oceanographic research at naval missions.
- Latest