Pamilya, 3 todas sa salpok!
Dadalo sa New Year’s party
MANILA, Philippines — Agad namatay ang tatlong miyembro ng pamilya na ang isa ay buntis matapos ang sasakyan nila ay sumalpok sa railings sa highway habang patungo sa isang kaanak sa pagdiriwang ng Bagong Taon sa Barangay Central Malamote, Matalam, Cotabato nitong Miyerkules.
Sa ulat na tinanggap ni Col. Gilbert Tuzon, Co-tabato provincial police director, kinilala ang mga nasawi na sina Almira Pillado; ang buntis na si Michelle Pillado at kamag-anak nilang si Liza Rulida,kapwa residente ng Barangay Dalipe, Mlang, North Cotabato.
Habang nasugatan ang pitong iba pa kabilang ang driver ng sa-sakyan na si Dennis Tayco Pillado na mister ng isa sa nasawi;at apat na bata na nagtamo ng malubhang mga sugat at pasa sa katawan.
Sa ulat, patungo sana sa Barangay Lumonay, President Roxas, Cotabato ang mga biktima upang dumalo sa isang New Year’s celebration ng mga kamag-anak doon nang biglang nawalan ng kontrol sa manibela ang driver ng kanilang sasakyan na si Dennis Tayco Pillado dahil sa mechanical kaya ito ay bumangga sa highway side railing kaya’t tumilapon at bumagsak sa kalsada.
Agad namatay ang tatlo habang ang mga nasugatan ay mabilis na dinala sa ospital.
- Latest