2 dedo sa pagtaob ng bangka sa Samar
MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Philippine Coast Guard (PCG) na dalawang pasahero ang nasawi matapos tumaob ang isang motorbanca sa Laoang, Northern Samar.
Sinabi ng PCG na ang sub-station ng Laoang ay nakatanggap ng tawag mula sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office tungkol sa tumaob na pribadong motorbanca na lulan ang anim na pasahero at dalawang crew.
“During the joint search and rescue (SAR) operation, two bodies were recovered along the shoreline of Barangay Rawis, Laoang,” ayon sa PCG.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na ang motorbanca ay umalis sa Brgy. Rawis sa Laoang at patungo sa Batag Island. Bumaliktad naman ito matapos hampasin ng malalaking alon.
- Latest