^

PSN Opinyon

JDC, salot sa Pangasinan

GO NORTH - Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

Salot sa Pangasinan si JDC. Bukod sa pag-smuggle ng diesel na kinukuha sa mga barko nasa Lingayen Gulf, binabantaan din niya ang mga mangingisda sa Sual at Labrador. Kaya lubhang apektado ngayon ang kabuhayan ng mga mangingisda sa nasabing mga bayan.

Maraming mangingisda ang nagsabi na tinatakot sila ni JDC para hindi makapangisda sa lugar na kinukunan nito ng diesel. Sinisira rin umano ni JDC ang kanilang mga bangka.

Yumaman si JDC dahil sa diesel smuggling. Dahil mapera at maimpluwensiya, kaya nitong tapalan ng pera ang hepe ng pulisya kaya malakas ang loob. Nalaman ko, ang backer ni JDC ay mataas ang katungkulan sa ahensiya ng pamahalaan. Kaya hindi siya matinag-tinag.

Natitiyak ko, apektado na rin ang kapaligiran dahil sa illegal na gawain ni JDC. Sa dami ng kanyang ini-smuggle na diesel sa laot, maraming latak nito ang nabubuhos sa dagat at magiging dahilan ng kamatayan ng lamandagat. Malalason ang mga isda at pati corals ay madadamay dahil sa oil spill.

Napag-alaman ko, dati nang nakulong si JDC sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa dahil sa pagtutulak ng shabu. At dahil ang negosyo niya ay diesel smuggling, hindi malayong pati shabu ay ninenegosyo na rin niya kasabay ng diesel. Posible ito.

Noong nakaraang linggo, 83 pakete ng shabu na nagkakahalaga ng kalahating bilyong piso ang naanod sa baybayin ng Ilocos Sur.

Posibleng ang mga pakete ng shabu ay galing sa barkong pinagkukunan ni JDC ng diesel. Magkakaugnay lang naman ang karagatan ng Pangasinan at Ilocos region.

Nararapat kumilos ang mga awtoridad sa illegal na operasyon ni JDC sa Pangasinan.

Pero paano kaya kikilos ang mga awtoridad doon kung si JDC ay nakasandal sa pader at maimpluwensiya ang backer. Isang mataas na opisyal na nangangasiwa sa kapulisan ang nasa likod ni JDC.

Anong masasabi ni PNP chief General Marbil dito?

vuukle comment

JDC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with