^

PSN Opinyon

Babae, gumawa at ikinalat ang powerpoint presentation tungkol sa pagtataksil ng BF!

MGA KWENTONG WEIRD - Ronniel Niko B. Halos - Pilipino Star Ngayon

Isang babae sa ­China ang gumawa ng 58 pages ng PowerPoint file na nagdedetalye ng kasaysayan ng pagtataksil ng kanyang boyfriend sa mahigit 300 kababaihan at ibinahagi niya ito online!

Mabilis na naging top trending post sa Chinese social media platform na Weibo noong Setyembre 19 ang insidente, na nakakuha ng 300 milyong views.

Sa PowerPoint file na kanyang ginawa, inakusahan niya ang lalaki, na itinago sa apelyidong Shi na nakipagtalik sa daan-daang kababaihan, kabilang ang mga sex worker, sa loob ng isang taon.

Ayon dito, ang kanyang boyfriend ay isang management trainee sa main branch ng China Merchants Bank sa Shenzhen. Ang hindi pinangalanang babae na nagsimulang makipag-date kay Shi noong October 2023, ay nag-akala na isang gentleman ang kanyang boyfriend.

Pero nagulat siya nang madiskubre noong Hunyo 2024 ang mga malalaswang mensahe na ipinadadala nito sa iba’t ibang babae sa pamamagitan ng chat apps. Ang slideshow ay nagsiwalat na si Shi ay nakipagkita ng siyam na beses sa mga sex worker at nagbayad ito ng mula 2,500 hanggang 5,000 yuan noong Marso hanggang Agosto.

Bukod dito, ipinakita rin nito ang mga romantikong mensahe ni Shi sa humigit-kumulang 300 kababaihan na nakilala niya sa mga da­ting app. Mayroon ding mga litrato na nagdokumento ng kanyang mga pakikipagtalik sa iba’t ibang kababaihan.

Sinabi ng babae na ki­nompronta niya si Shi noong Hunyo, ngunit lumuhod ito sa harap niya, nakiusap na huwag ipagsabi ang kanyang mga nagawa at nangakong hindi na uulitin ang kanyang mga pagkakamali.

Ayon sa babae, pinatawad niya si Shi. Gayunman, nagpasya siyang maghiganti nang madiskubre niyang patuloy pa rin ang pagtataksil ni Shi nito lamang Setyembre. Si Shi ay nagtapos sa School of Economics sa Xiamen University. Sumali siya sa isang program ng China Merchants Bank na ginawa upang sanayin ang mga promising fresh graduates para sa mga leadership position.

Ang mga nakakapagtapos sa programang ito ay karaniwang nakatatanggap ng magandang suweldo at good career opportunites. Noong Setyembre 19, inihayag ng banko na tinanggal na nila si Shi sa naturang program matapos ang isang imbestigasyon sa insidente.

Sinabi rin ng babae na balak niyang i-report ang pagkakasangkot ni Shi sa mga prostitute, na labag sa batas sa China.

Ang pagiging taksil at mapusok ni Shi at ang paghihiganti ng kanyang girlfriend ay naging trending at hot topic sa social media kung saan may mga eksperto na nakisali na rin sa isyu.

Ayon kay Liao Hua, isang abogado sa Taihetai Law Firm sa China ang ginawa ng babae na pag-post ng hindi beripikadong impormasyon tungkol kay Shi online ay maaaring labag sa karapatan sa privacy. Ilan namang netizen ang kumampi sa babae at nagsabing deserve ito ng boyfriend niyang babaero.

POWERPOINT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with