^

PSN Opinyon

Sumasakit ba ang tuhod mo?

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Ang sakit sa tuhod ay nararamdaman ng mga taong edad 40 pataas. Ang pangunahing dahilan ng pagsakit ng tuhod ay arthritis. Kung sobra sa timbang, mas maagang sasakit ang tuhod. Kung sobra sa ehersisyo, tulad ng mga runner, kickboxer o basketball player, puwedeng sumakit ang tuhod.

Ano ang mga dapat iwasan at gagawin?

1. Huwag magbuhat nang mabibigat. Kung may bubu­hatin, magpatulong sa kasama.

2. Huwag palaging umakyat at bumaba sa hagdanan. Malaki ang stress sa tuhod ng paggamit ng hagdan.

3. Huwag tumayo o maglakad nang matagal. Umupo paminsan-minsan at magpahinga. Mas relaks ang tuhod kapag nakaupo.

4. Huwag mag-high heels. Malaki ang stress nito sa tuhod.

5. Huwag lumuhod sa sahig. Nakasisira ito ng tuhod. Kapag nasa simbahan, gamitin ang malambot na kutson para sa tuhod.

6. Kung sobra sa timbang, magpapayat. Hindi kaya ng tuhod ang bigat ng tiyan.

7. Bumili ng rubber shoes o malambot na sapatos. Mag-tsinelas ng makapal ang suwelas. Makatutulong ito para hindi matagtag ang tuhod.

8. Palakasin ang masel sa ating hita. May mga eher­sisyo para rito. Puwede ang stationary bike o magbending exercise ng bahagya lang. Masama ang sobrang pagba­luktot ng tuhod lampas sa 90 degrees.

9. Kapag umiinit ang tuhod sa matagalang paglalakad, puwedeng lagyan ng malamig na bag o cold compress.

10. Palakasin ang buto. Uminom ng skim milk dahil ma­rami itong calcium. Para sa mga kababaihan, uminom din ng calcium supplements.

11. Kapag hindi nawala ang sakit sa tuhod, kumunsulta sa orthopedic surgeon o rheumatologist.

12. Hindi pa tiyak ang benepisyo ng Glucosamine at chondroitin tablets. Ang supplement na ito ay posibleng makabawas sa sakit tuhod at kasu-kasuan.

TUHOD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with