^

PSN Opinyon

Baradong ilong

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

KAPAG barado ang ilong, hirap huminga at matulog. Tumutulo ang sipon at nagbabago ang boses.

Ang kadahilanan ng baradong ilong ay ang pamamaga ng ugat sa sinuses. Naiirita ang mga ugat dahil sa mikrobyo o allergy.

Payo para malunasan ang baradong ilong narito ang mga dapat gawin:

1. Uminom ng 8-12 basong tubig sa isang araw. Puwede ring uminom ng sopas, tsa-a at juices.

2. Maligo sa shower gamit ang mainit na tubig. Isara ang pinto sa banyo para makulob ang usok na manggagaling sa mainit na shower (parang sauna). Ang steam o usok ay may water vapor na nagpapalabnaw ng plema.

3. Subukan ang steam inhalation. Magpakulo ng 2 litrong tubig sa isang kaldero. Kapag kumulo na, palamigin ng 10 minuto at isalin ang tubig sa isang plastic na palanggana. Ilapit ang iyong mukha ng 6 inches sa mainit na tubig. Itaklob ang tuwalya sa ulo habang nakatapat sa palanggana. Ito’y para makulob ang init at malanghap ang usok na nanggagaling sa tubig. Puwede kang mag-steam inhalation ng 3 o 4 beses sa maghapon.

4. May tulong ang Saline Spray na nabibili sa botika (mga P100 ang halaga). Isa itong botelya na ipinapasok sa ilong at ini-spray. Sa ganitong paraan, mapapalabnaw at matutunaw ang plema sa ilong.

5. Gumamit ng warm compress. Ilubog ang tuwalya sa mainit na tubig at pigain. Ilagay ang mainit na tuwalya sa bandang ilong at noo. Ang warm compress ay nakababawas ng kirot at pamamaga ng sinus.

6. May mga nabibiling gamot para sa sipon (decongestants) pero hindi ito puwedeng inumin ng pangmatagalan. Minsan, nakakaapekto rin itong mga gamot sa iyong blood pressure.

7. Kung may allergy, umiwas sa mga bagay na nakaka-allergy sa iyo. Linisin ang kuwarto at linisin ang mga gamit, kama, sopa at rug. Labhang maigi ang unan, kumot, tuwalya at baro. Ang mga balahibo mula sa alagang hayop at stuffed toys ay nakaka-allergy din. Kung matindi ang allergy, puwede ring uminom ng gamot sa allergy ng paminsan-minsan.

***

Tips kung may ubo

Maraming dahilan ang ubo. Minsan ito ay dulot ng simpleng sakit.

Ngunit kung ito ay pabalik-balik at tumatagal na, baka ito ay isa ng nakahahawang sakit.

Ang mga karaniwang sanhi ng ubo ay ang trangkaso, sipon at allergy.

Karaniwan ito ay kusang gumagaling paglipas ng mga ilang araw. Ang mga naninigarilyo ay nagkakaroon ng tinatawag na smoker’s cough.

Sa isang maruming kapaligiran, maraming tao ang nagkakaroon ng ubo at plema.

Ganunpaman, hindi sa lahat ng pagkakataon ng pag-ubo ay maaaring balewalain lang. Sa ilang mga kaso, ang matagal na pag-ubo ay maaaring maging tanda ng tuberkulosis o hika.

Ang TB sa ngayon ay nagagamot nang libre sa inyong mga health centers. Anim na buwan ang gamutan para gumaling at hindi makahawa sa buong pamilya.

Para sa mga taong naninigarilyo, lalo sa mga naninigarilyo ng 10 sticks sa isang araw, maging alerto sa iyong ubo dahil baka ito ay kanser sa baga. Upang maging ligtas, magpakuha ng Chest X-ray at agarang tumigil sa paninigarilyo.

DOC WILLIE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with