^

PSN Opinyon

Police colonel sa rape try, kamag-anak ni Gov. Tamayo!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

KINUNSINTI ni PRO12 director Brig. Gen. James Gulmatico ang police colonel na nahuling nakapatong sa nilasing n’yang policewoman recruit. Bakit? Imbes na disiplinahin, itinapon lang ni Gulmatico sa malayong lugar si police colonel para mailayo at hindi mainterbyu ng media. Eh di wow!

Kaya naman hindi maikumpas ni Gulmatico ang kanyang kamay na bakal laban sa police colonel ay dahil nakikikamag-anak ito kay South Cotabato Gov. Reynaldo Tamayo Jr. Di ba PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil si Tamayo rin ang padrino ni Gulmatico para maupo s’ya sa PRO12.

Hayun! Maliwanag pa sa sikat ng araw na “protect my own” ang ginawa ni Gulmatico sa police colonel. Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan!

Dahil napahiya ang PNP sa ginawa ni police colonel, kumilos naman si Maj. Gen. Westrimundo “Patrick” Obinque, director ng Directorate for Intelligence para arukin ang puno’t-dulo ng kaso.

Inutusan ni Obinque si Gulmatico at ang R2 o intel chief ng PRO12 na magsumite ng report patungkol sa tangkang rape case.

Expected naman ni Obinque na ‘self-serving’ itong report nina Gulmatico at R2 kaya’t ipapa-validate niya ito sa taga-Intelligence Group. Behhhhh buti nga!

Kapag nabuo na ang kanyang report, isusumite ito ni Obinque kay Marbil na bahala nang magpataw ng sapat na kaparusahan laban sa police colonel.

Baka maging dahilan pa ang kaso para ma-relieve si Gulmatico, na malapit na ring mag-retiro. Araguyyy! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Hindi lang naman ang kaso ng policewoman recruit ang nakareport laban sa police colonel kundi may iba pa. May nagreklamo rin sa kanyang underclass niya sa PRO11 subalit tulad ng iba pang biktima hindi na nagreklamo dahil sa pananakot ng suspect sa kanila.

Usap-usapan pa sa Camp Crame ang ibang kaso sa PRO12, tulad ng may nabuntis na bebot na pinatira ng isa pang police colonel sa quarters niya. Mukhang naging pugad ng mga ‘manyakis’ itong PRO12 ah? Dipugaaa! Ano sa tingin mo Lt. Col. Jovie Espenido Sir? Ang sakit sa bangs nito!

Dahil bukambibig nina Gulmatico at police colonel ang pangalan ni Tamayo, abayyyy baka maapektuhan ang kandidatura n’ya sa pagka-secretary ng Department of Interior and Local Government (DILG), kapalit ni Sec. Benhur Abalos na tatakbong senador.

Kung ang area nga ni Tamayo hindi niya masawata ang kalokohan ng mga pulis, eh sa ibang lugar pa kaya ng Pinas? Sanamagan!

Sa ngayon kasi, sinabi ng mga kosa ko na sina Tamayo at Cavite Gov. Jonvic Remulla na lang ang pinagpipilian ni President Bongbong Marcos na kapalit ni Abalos.

Nawalis kasi sa listahan sina ex-PNP chief’s Jun Azurin at Benjamin Acorda, na naging biktima pa ng smear campaign. Kaya ang attempted rape laban sa kamag-anak (kuno) ni Tamayo ay malaking dagok sa kandidatura niya. Mismooo!

Puwede naman sigurong utusan ni Marbil ang Internal Affairs Service para magsagawa ng motu proprio probe sa kaso nang sa gayon ay lumabas ang katotohanan.

Minumura ng kapwa niya opisyal sa Camp Crame si police colonel kasi nga sa kaliwa’t kanan na delubyo na inabot nila sa Senado at Kongreso, nakadagdag pa sa kahihiyan ng PNP ang kaso niya.

Abangan!

POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with