^

Punto Mo

‘Salamin’ (Part 14)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

“DAHIL sa nangyaring iyo, lalo pang napamahal kina Lola Elisa at Lolo Fernan ang antique na salamin. Iningatan nila nang labis. Laging pinupunasan ni Lola. Laging sinisiguro na hindi ito babagsak sa pinagsasabitan.

Nang nag-aagaw buhay na raw si Lola ay ang salamin pa rin ang laging binabanggit nito. Ang huling namutawi sa labi ay “ingatan ang salamin”. Nalagutan ng hininga si Lola.

Humagulgol ng iyak si Lolo Fernan. Niyakap niya ang katawan ni Lola. Nangako  na hindi pababayaan ang salamin.

Tuwing umaga, naging routine na ni Lolo ang pagpupunas sa antigong salamin. Bago siya magsimula sa ibang gawain, ang paglilinis muna ng salamin ang inuunan niya. Sinisiguro na malinis na malinis ang salamin.

“Nagpakita rin ba si Lola Elisa kay Lolo Fernan sa pamamagitan ng salamin.”

“Sabi ni Mama, hindi raw.”

“Bakit kaya?”

“Yan nga ang isang misteryo na hindi namin nalaman.”

“Nabuhay ba nang matagal si Lolo Fernan?”

“Hindi. Eksaktong isang taon mula nang mamatay si Lola, namatay naman si Lolo. At ang nakapagtataka, ganundin ang petsa at oras ng kamatayan niya.”

Nanghilakbot ako. (Itutuloy)

MIRROR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with