^

Punto Mo

Mayang (40)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“Hindi ako baliw, Puri,’’ sagot ni Jeff. “Nagsasabi lamang ako ng totoo na walang makakapalit sa puso ko si Mayang. Kahit anong mangyari, si Mayang pa rin ang mamahalin ko.’’

“Kahit may asawa na siya at anak?”

“Hindi ako naniniwala! Hindi basta-basta sisira si Mayang sa pag-iibigan namin. Kahit pa nagkahiwalay kami ng pitong taon, hindi basta-basta hahanap ng iba si Mayang.’’

“Sira na talaga ang ulo mo! Paulit-ulit kong sinasabi na pinalitan ka na ni Mayang! May iba nang lalaki sa buhay niya! Ano ka ba?’’

“Bakit hindi mo masabi sa akin kung nasaan siya? Saan ko siya makikita? Kapag nakita ko na may iba na siyang lalaking minamahal at may anak, saka lamang ako maniniwala. Hangga’t hindi ko nakikita ang katibayan, hindi ako maniniwala!’’

“Ang tigas ng ulo mo!’’ sabing nayayamot ni Puri.

“Nasaan si Mayang?’’ tanong ni Jeff.

Hindi sumagot si Puri. Napangiti lamang.

At saka ipinagpatuloy ang pagbubukas sa siper ng pants ni Jeff.

“Tingnan ko kung maaalala mo pa si Mayang sa gagawin ko!’’

Ipinagpatuloy nito ang pagbubukas sa siper.

Hanggang mabuksan.

Hindi naman makakilos si Jeff. Tutol siya sa ginagawa ni Puri pero hindi siya makakilos para sansalain ang babae.

Inilabas ni Puri ang hinahanap. Isang ibon na nakalaya sa hawla. Hinimas ni Puri. Hindi makakilos si Jeff. Ayaw niya pero bakit hindi siya makagawa ng hakbang para masansala ang humuli sa ibon. Anong nangyayari sa kanya? Dahil sa Espiritu ng alak?

Hanggang may sumakmal sa ibon. Naimadyin ni Jeff na isang mabangis na ahas ang sumakmal sa ibon. Buung-buong sinakmal!

Mainit ang bunganga ng ahas. Kamandag kaya iyon?

Pinagpatuloy ng ahas ang pagsakmal. Hanggang sa nararamdaman ni Jeff na inaantok siya. Kumakalat na ang kamandag? Natatangay na si Jeff.

Hanggang mag-ring ang cell phone ni Puri.

Iniwan ni Puri ang “ginagawa” kay Jeff at sinagot ang CP.

“Hello? Sino ‘to? Busy ako! Mamaya ka na tumawag!” sabi ni Puri sa tumawag.

Unti-unting nagkakamalay si Jeff. Nawawala ang kamandag?

(Itutuloy)

MAYANG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with