^

Punto Mo

Isang bayan sa Canada, walang interesadong maging mayor!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG bayan sa Canada ang may malaking problema sa nalalapit na municipal election sa Nobyembre, ito ay dahil wala ni isa sa kanila ang interesado na maging mayor!

Ang bayan ng Kyle ay matatagpuan sa ­Saskatchewan. Ito ay isang maliit na rural municipality na may 413 residents.

Ayon sa mga ­opisyal nito, magreretiro na ­ngayong taon ang kanilang mayor na si George Williams pero hanggang ngayon, wala ni isa sa 413 residents dito ang nagpapahayag ng interes na maging bagong mayor.

Sa panayam sa Chief Administrative Officer na si Amber Dashney, sinabi nito na dalawang beses na silang naglabas ng mga aplikasyon upang humingi ng nominasyon para sa pagka-mayor, ngunit walang nagpalista.

“Medyo nakababahala ito, pero naniniwala akong may isang maglalakas loob na tumakbo,” sinabi ni Dashney sa radio station na CKOM-AM.

Pero kung sakaling wala talagang tumakbo sa pagka-mayor sa Nobyembre 13, sinabi ni Dashney na pipili ang konseho ng isang pansamantalang mayor.

CANADA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with