Nominees sa party-lists: mga negosyante’t pulitiko
SIGURADONG babatikusin si Comelec Chairman George Garcia ng mga nagsumite ng COCs pero ibinilang na nuisance candidates para sa 2025 elections.
Masakit aminin na marami ang kumandidato sa iba’t ibang posisyon na may kakayahang magsilbi pero walang panggastos kaya na-disqualify. Masaklap talaga ang maging mahirap!
May mga nag-file naman ng kandidatura na bukod sa katawa-tawa ang mga itsura, mistulang nananadya lamang para batikusin ang Comelec. Dahil kaya komedya at drama ang tingin nila sa election? He-he-he!
Dapat pagtuunan ng pansin ng Comelec ang mga inimbentong party-list group na nag-anyong “marginalized sectors” pero ang nominees ay mga negosyante at pulitikong walang kabusugan sa kapangyarihan.
Kaya ba ni Garcia na himayin ang party-list group? Aber nga!
- Latest