Twin kill with RHJ?
Matapos mahugot ang Governors’ Cup back-to-back championships, twin kill naman sa PBA Season 49 ang hahabulin ng TNT Tropang Giga sa parating na Commissioner’s Cup.
At sa kanilang twin kill mission, isasalang pa rin si Rondae Hollis-Jefferson kontra sa mga higanteng imports ng mga kalaban.
Proven winner ang TNT formula with RHJ kaya naman hindi kataka-taka na mag-stick si coach Chot Reyes dito.
Nagawa ito ng Barangay Ginebra kasama si Justin Brownlee, kaya’t kaya rin ng TNT ito.
Dalawang beses nadala ni Brownlee sa rurok ng tagumpay ang Ginebra sa Commissioner’s Cup, kasama ang ‘di makakalimutang championship kontra Bay Area Dragons noong 2023.
Puntirya ito ng Tropang Giga sa Commissioner’s Cup na sisipa sa Nov. 27 sa PhilSports Arena.
“We just won a championship with him and the chemistry’s already there,” ani coach Chot.
Pinag-isipan nila na maghanap ng malaking import, pero sa final analysis, nag-decide sila na mas maganda ang chance nila with RHJ.
Ang siste, kailangan nina Kelly Williams at Poy Erram na alagaan ang kanilang katawan upang manatiling healthy sa kabuuan ng conference. Otherwise, sobrang bibigat ang laban ng TNT sa shaded lane.
- Latest