^

Punto Mo

Popularidad ng ­senatorial team ni ­Digong, nadidiskaril?

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

KATULAD ng nauna kong prediksiyon, ang paglutang ng mga saksi laban sa nagdaang administrasyon ni Digong Duterte ay magbubunga ng pagkadiskaril sa political group nito para sa 2025 local and senatorial elections.

Malaking dagok sa Duterte team ang patuloy na imbestigasyon sa extra-judicial killlings, illegal POGO, drug smuggling at pandemic medical supplies corruptions.

Mga pulis at magkakaibang law enforcement unit personnel ang napalulutang ng House of Representatives quad committee para umamin sa mga ginawa nilang krimen at katiwalian sa Duterte administration.

Naging madali para sa mga political propagandists ang pagsawsaw sa mga isyung pampulitika na naibabalita ng diyaryo at telebisyon at isinasakay sa social media platforms.

Mind conditioning talaga!

Patunay ang pagbulusok ng approval ratings ni Vice President Sara Duterte maging ang mga nakisakay at nakinabang sa liderato ni Digong mula 2016-2022.

Nahihirapan din ang political party ni Digong na PDP na makabuo ng winnable senatorial candidates para sa 2025 election. Weder weder lang talaga!

DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with