^

Punto Mo

EDITORYAL - Birth certificates for sale

Pang-masa
EDITORYAL - Birth certificates for sale

Nakababahala ang inihayag ng National Bureau of Investigation (NBI) na 200 palsipikadong birth certificates ang naisyu ng local civil registry sa Santa Cruz, Davao del Sur. Pawang sa mga dayuhang Chinese umano ang mga penekeng birth certificates at ginawa noong 2018 hanggang 2019.

Ang paghahayag ng NBI ay kasunod naman ng mga ibinulgar ni Sen. Sherwin Gatchalian na sa halagang P300,000 ay maaari nang makakuha ng birth certificate, valid Philippine passport, driver’s license at ipa pang mga dokumento. Nalaman umano niya ang modus sa mga nakausap na Chinese. Sabi ni Gatchalian, isang bagsakan na lang o package ang modus. Mayroon umanong naglalakad para makakuha ng palsipikadong Philippine documents.

Ang pagsisiwalat ni Gatchalian sa mga palsipikadong dokumento ay may kinalaman pa rin sa isinasagawang kaso ng suspendidong mayor ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo. Hindi naman dumalo sa pagdinig si Guo kaya ipinaaresto na siya ng Senado. Hanggang kahapon, hindi makita si Guo. Si ­Gatchalian ang nagbunyag na si Guo at si Go Hua Ping ay iisang tao base sa findings ng National Bureau of Investigation (NBI) na pareho ang kanilang fingerprints.

Nakababahala ang ganito na sa halagang P300,000 ay maaari nang magkaroon ng valid birth certificates ang mga dayuhan. Hindi na nakapagtataka kung bakit maraming Chinese sa bansa ngayon at lantarang nakakapagnegosyo at ang matindi pa, nakakatakbo pang mayor gaya ng ginawa ni Guo sa Bamban, Tarlac. Si Guo rin ang sinasabing may-ari ng Baofu compound kung saan nakatayo ang dalawang illegal POGOs na sinalakay noong Marso at Abril 2024. Ang compound ay nasa likod lamang ng Bamban municipal hall.

Sa mga pagdinig ng Senado ay kasamang ipinatatawag ang mga taga-PSA bilang resource person. Naging kontrobersiya kung paano nagkaroon ng birth certificate si Alice Guo na sinasabing nag-file ng late registration pero may mga kahina-hinalang entry sa birth certificate nito. Pati na rin ang mga kapatid ni Guo ay naging isyu rin ang birth certificate.

Nararapat magsagawa ng paglilinis ang Philippine Statistics Authority (PSA) sa kanilang hanay. May mga tiwaling tauhan sa local civil registry kaya nangyayari ang ganito. Pera-pera lang ang katapat at maaari nang magkaroon ng birth certificate ang mga dayuhan, particular ang mga Chinese. Madali lang makapasok sa bansa ang mga Chinese at nagagawa ang anumang naisin nila. Nakapagpupundar ng mga illegal na negosyo na ang front ay POGO. At ang ­matindi, nakakatakbo pa bilang local official at nananalo.

vuukle comment

NBI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with