^

Punto Mo

Dapat na may managot

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na masisibak sa puwesto ang lahat ng responsableng tumulong para makalabas ng bansa ang sinibak na mayor ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo.

Malaking katiwalian na nagwawasak sa sistema ng hustisya at sumisira sa tiwala ng publiko ang pangyayaring pagkapuslit ni Guo palabas ng bansa sa kabila ng matinding pagbabantay dito dahil sa kinasasangkutang mga kaso.

Tila walang takot at talagang ang lalakas ng loob ng mga taong sangkot dito.

Malamang na hindi mapahindian ang laki ng halaga na inoper sa mga ito kaya nakagawa ng paraan para makalusot.

Hindi maitatangging korapsyon pa rin ang ugat kahit na malagay sa balag ng alanganin ang ating justice system.

Tiniyak ng Pangulo na malalantad ang mga salarin at nagtaksil sa tiwala ng mga tao at tumulong sa pagpuslit ni Guo.

Isang full-scale investigation aniya ang isasagawa at lahat ng responsable at mananagot sa batas.

Mukhang nahihirati na ang marami na inuuna ang personal na interes kaysa ang paglilingkod sa bayan.

Talagang naitago nang husto ang pagpupuslit, Hulyo 16 pa nakaalis sa bansa si Gino, at kung hindi pa ma’y nagmalasakit na nagbigay ng impormasyon kay Sen. Risa Hontiveros na nakapuslit na nga ito, eh baka hanggang ngayon eh bulag tayo kung nasaan na si Guo.

vuukle comment

ALICE GUO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with