^

Punto Mo

Maid of Honor (240)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“GUSTO ko kapag kasal na kayo ni Ram ay dito pa rin kayo tumira para naaalagaan mo ako Yana. Alam kong mahusay kang mag-alaga. Puwede ba ang kahilingan ko, iha?’’ tanong ni Mommy Celia habang hawak ang kamay ni Yana.

“Opo. Aalagaan kita.’’

“Salamat Yana. Pero kahit na aalagaan mo ako, alagaan mo rin ang parents mo. Lagi n’yo silang dalawin ni Ram. Baka mainggit sa akin, ha-ha-ha!’’

“Sige po.’’

“At ang gusto ko, magkaroon kayo ng anim na anak o mahigit pa. Masaya ang ­tahanan kapag maraming anak. Wala namang problema sa pagpapalaki at pagpapaaral sa kanila dahil sasagutin ko lahat. Hindi naman sa pagmamayabang, may kaunti rin akong yaman na ipagkakaloob ko rin sa inyo.’’

Napatango si Yana. Tama ang sinabi sa kanya ni Ram na may kabuhayan ang mommy nito. Malaki ang namanang salapi mula sa mga magulang.

“Ipagpapagawa ko kayo ng bahay bakasyunan sa Baguio at Tagaytay. At kung mayroong beach resort sa probinsiya ninyo, bibili rin ako. Para sa inyo ni Ram ang mga ari-arian.’’

“Salamat po.’’

Lumapit si Ram sa kanila. May dalang pagkain sa tray.

“Mukhang magkasundong-magkasundo kayo,’’ sabi ni Ram kay Mommy at Yana.

“Oo. Gustung-gusto ko si Yana. Napakabait kasi.’’ (Itutuloy)

vuukle comment

MAID OF HONOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with