^

Punto Mo

Alice Guo, nag-ala palos: Mga awtoridad nalusutan

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Ayan na nga, nakumpirmang nalusutan ang mga awtoridad dahil sa nakalabas na pala ng bansa noon pang Hulyo ang sinibak na Bamban Mayor Alice Guo.

Kaya naman pala kahit ano’ng manhunt ang gawin dito, eh hindi makita kasi nga nakapuslit na sa bansa.

Nakakapagtaka pa nga na panay ang paninindigan ng DOJ na hindi pa umano ito nakakalabas ng bansa, gayon ang mga ahensyang nakapailalim dito ang nagkumpirma na nakapuslit na ito ng bansa.

Mukhang hindi naimpormahan ang DOJ.

Ano na ang nangyari, mistulang kinapos o sadyang itinago ang ganitong impormasyon sa Justice Dept.

Hindi nga ba’t unang isiniwalat ni Sen. Risa Hontiveros, base sa impormasyong ibinigay sa kanya ng NBI na nakalabas na ng bansa si Guo noong Hulyo 16 patungong Kuala Lumpur, Malaysia.

Ang NBI ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng DOJ.

Kahapon kinumpirma na rin ng Bureau of Immigration (BI) na wala na nga sa bansa si Guo.

 

Ang BI ay nasa pangangasiwa rin ng DOJ.

Ayon sa BI, bumiyahe si Guo mula sa Pilipinas patungong Malaysia noong Hulyo 16, at dumating sa Indonesia mula sa Singapore noong Agosto 18.

Hulyo pa pala ito nakapuslit ng bansa sa kasagsagan nang matinding paghahanap dito.

Makailang ulit nang pinaglalaruan ni Guo ang Pinas.

Una nang tumakbo itong alkalde sa Bamban, Tarlac gamit ang mga pinekeng dokumento at kahit hindi sya tunay na Pinoy.

At eto na naman ang pagpuga at pagbalewala sa inisyu ditong warrant of arrest.

Ang mas masaklap dyan paano nakalabas ng bansa, siyempre sa tulong  ng ilang opisyal o.kawani  sa BI na yan ang dapat na maimbestigahan.

Kailangang , magsagawa ngayon ng backtracking ang BI sa mga galaw ni Guo upang matukoy kung sinu-sino ang mga taong tumulong sa kanya upang makalabas ng bansa.

Hirit na rin na kanselahin ang Phl passport nito para mapabalik ito sa bansa.

O di ba, parang mapaglalaruan tayo ni Hui kaya kailangang May mapanagot sa pagkapuslit nito

vuukle comment

ALICE GUO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with