^

Punto Mo

EDITORYAL – Linisin ang PNP

Pang-masa
EDITORYAL � Linisin ang PNP

ISA sa mga sinabi ni Gen. Rommel Francisco Marbil nang hiranging PNP chief ni President Marcos Jr. noong Abril 1, 2024 ay ang pagsasaayos sa 240,000 miyembro ng kapulisan. Alam ni Marbil sa simula pa lamang na maraming pulis ang gumagawa ng illegal. Hindi na lingid sa kanya na maraming pulis ang naliligaw ng landas at ito ang dahilan kaya buma­bagsak ang imahe ng pambansang pulisya. Sa halip na tulungan ng mga pulis na maibangon ang kinaanibang organisasyon, lalo pang inilulubog sa kumunoy.

Nang hawakan ni Marbil ang PNP marami nang “scalawags” at sa paglipas pa ng mga araw, lalo pang dumarami ang mga ito. Sa halip na masindak sa banta ni Marbil, lalo pang nagsabog ng lagim. Wala nang kinatatakutan. Hindi na nababahag ang kanilang buntot sa mga babala ng PNP chief.

Nitong nakaraang linggo, sunud-sunod ang mga balita tungkol sa mga pulis na naliligaw ng landas. Hindi na maganda ang kanilang ginagawa na lalo pang nagpapababa sa imahe ng pambansang pulisya.

Gaya ng ginawa ng dalawang pulis mula sa Caloocan City na inireklamo ng carnapping at robbery ng isang umano’y drug suspect sa Quezon City. Nakilala ang mga pulis na sina Staff Sgt. Rusell Ortega ng Bgy. Gaya-Gaya, San Jose del Monte, Bulacan at Cpl. Joel Taboga ng Bgy. Bagbag, Novaliches, Quezon City. Itinuro sila ng biktimang si Gerald Andrade, na kumuha umano ng kanyang pera at motorsiklo.

Noong nakaraang linggo, inaresto ng PNP-Highway Patrol Group (HPG) si Lt. Col. Gideon Ines, Jr. matapos isangkot sa “rentangay” carnapping modus. Bukod kay Ines, dalawa pang suspect ang inaresto. Ayon sa may-ari ng sasakyan, nirentahan ito ng mga suspect subalit hindi na ibinalik at nalaman niyang ibinebenta na sa halagang P350,000 sa utos ni Ines.

Noong nakaraang buwan, dalawang miyembro ng Special Action Forces (SAF) ang nabistong nag-eeskort sa POGO official sa Ayala-Alabang. Tinanggal na sila sa puwesto. Ayon sa report, siyam na superiors din ang sinibak.

Kamakailan, sinabi ni Marbil na gusto niyang maibalik ang dating kadakilaan ng PNP. Nais niyang ipagmalaki ng mga Pilipino ang PNP, and ahensiya na may tungkuling bantayan ang kapakanan ng mga Pilipino.

Mangyayari lamang ito kung magsasagawa nang masinsinang paglilinis sa PNP. Mamahalin at ka­luluguran ng mamamayan ang PNP kung malilipol na ganap ang “scalawags”. Ipatupad ang tunay na reporma sa PNP upang mahango sa lusak.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with