^

Punto Mo

Magkano dapat ang separation pay?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Na-laid off po kami noong April at ang sabi po sa amin noon ay 1 month of salary per year of service ang aming matatanggap na separation. Ngayong ire-release na ang separation pay ay biglang iba na ang sinasabi sa amin ng kompanya dahil 1/2 month ­salary per year of service na lang daw po ang matatanggap namin. Legal po ba ito? —Andy

Dear Andy,

Nakadepende ang komputasyon ng separation pay sa na­ging dahilan ng pagkakatanggal ng empleyado mula sa trabaho. Kung ang termination ay dahil sa redundancy o pagkakaroon ng sobrang empleyado o sa “installation of labor-saving devices” o ang pagkakaroon ng mga bagong kagamitan para mapadali ang trabaho, ang separation pay ay katumbas ng hindi bababa sa ½ month salary para sa bawat taon ng serbisyo ng empleyado.

Kung ang termination naman ay base sa retrenchment o pagbabawas ng empleyado dahil sa pagkalugi o para maiwasan ito o kaya naman ay dahil sa pagsasara ng negosyo na hindi dulot ng labis na pagkalugi, ang separation pay ay katumbas ng 1 month salary para sa bawat taon ng serbisyo ng empleyado.

Hindi mo nabanggit sa iyong katanungan kung bakit kayo natanggal sa trabaho. Hindi rin malinaw kung bakit nag-iba ang sinabi sa inyo ng inyong employer ukol sa komputasyon ng inyong separation pay. Kung nagkamali lamang pala sila sa una nilang pahayag at base sa dahilan ng inyong pagkakatanggal ay ½ month salary per years of service ang inyong talagang dapat na matanggap ay malabong magkaroon kayo ng habol sa inyong employer.

Pero kung base sa dahilan ng inyong termination ay 1 month salary per years of service ang inyong dapat na matanggap na separation pay ay maari ninyong ireklamo ang inyong employer kapag natanggap niyo na ang inyong separation pay at lumalabas na ½ month salary lamang per years of service ang naging katumbas nito.

vuukle comment

SEPARATION PAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with