^

Punto Mo

Mga baraha na kasing laki ng butil ng bigas, nakatanggap ng Guinness World Records!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG kaha ng baraha ang nakapagtala ng bagong world record dahil sa sobrang liit ng mga ito!

Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Records na si Rob Hallifax ng London ang nakagawa ng World’s Smallest Pack of Playing Cards na may sukat na 5 mm x 3.6 mm bawat baraha.

Maikukumpara ang mga baraha sa sukat ng isang butil ng bigas. Ang sukat ng mga ito ay 250 beses ang liit sa pangkaraniwang playing cards.

Ayon kay Hallifax na isang product designer and engineer, gumamit siya ng professional printer para iprint ang mga ito. Ang naging challenge sa kanya ay kung paano gugupitin ang bawat baraha kaya naisipan niya na gumamit ng laser cutter para maging accurate ang bawat paggupit dito.

Gumawa si Hallifax ng 102 na kopya nito. Ang 100 sa mga ito ay binenta niya online sa halagang $24 at ang dalawa ay itinago niya para sa sarili at sa Guinness World Record headquarter office.

 

vuukle comment

GUINNESS WORLD RECORDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with