Bagay na natutuhan mo sana noon pa
• Kapag nakita mo ang kabutihan ng isang tao, sabihin mo ito kaagad sa kanya.
• Siguradong mapipilitan kang gumising at bumangon nang maaga kung sa malayong lugar mo ilalagay ang alarm clock pero dinig mo kapag nag-ring ito.
• Para mag-improve ka sa isang bagay, magpraktis ka 30 minuto araw-araw sa loob ng 30 araw nang walang patlang.
• Bago matulog, isulat ang tatlong bagay na ipinagpapasalamat mo sa nakalipas na maghapon. Kinaumagahan, basahin mo ang iyong isinulat nang nagdaang gabi.
• Maglakad ng 15 minuto tuwing umaga. Malaki ang naitutulong nito sa iyong mood, pagtulog, metabolism at digestion.
• Magbigay ng isang papuri sa iyong partner araw-araw.
• Huwag panghinayangang layuan ang taong laging minamaliit ang iyong accomplishments.
• Kahit once a month, paranasin mo ang iyong sarili na mapag-isa. Mabuti ito para makapagnilay-nilay ka tungkol sa iyong buhay.
• Kapag ang isang kaibigan ay nakakaranas ng problema sa buhay, malaking bagay na ‘yung sabihin mong hindi siya nag-iisa at naroon ka para damayan siya. Ayon sa psychologists, mas matimbang ang pagpapadama ng pagdamay kaysa pagbibigay ng payo sa taong binabagyo ang buhay.
• Kung may kakilala ka na madalas ipagyabang ang kanyang malaking suweldo, ari-arian na nakolekta at accomplishments, asahan mong 50 percent lang ang totoo sa mga iyon. Ang totoong mayaman, matatakot ipagsabi kung magkano ang worth ng kanyang kayamanan dahil baka utangan siya ng mga kamag-anak, kidnapin siya at akyatin ang kanyang bahay ng magnanakaw.
Itutuloy
- Latest